ALICE Lagi kong sinasabi ang mga katagang kagaya ng sa drama sa TV sabay dugtong ng romantikong senaryo para ikumpara kung gaano ka romantiko ang isang sandali kasama si Mike. Pero sa sitwasyon na ito na kagaya rin sa isang drama sa TV kung saan itinatakbo sa hospital ang duguan na kasintahan ng bida ay wala ring kapantay ang sakit na nararamdaman ko. Mabilis na tinatakbo patungo sa emergency room si Mike habang hinahabol ko ang doktor at nurse na nag-aasikaso sa kanya. Ayaw tumigil ng pagtulo ng luha ko at hindi ko mapigilan na humagulgol sa takot at baka may mas masamang mangyari kay Mike sa loob. "Ma'am, hanggang dito lang po kayo," sabi sa akin ng isa sa mga nurse at pinagsarhan na ako ng pinto ng emergency room. Now, I can relate to those main characters who has their love one

