ALICE Hindi magmaliw ang mangha ko noong muli kong nakita ang mga plastik na bulaklak na nakasabit ng department store na malapit lang sa campus. Mga limang minutong lakaran lang ito mula sa gate. Dito kami madalas namimili ng mga school supplies at iba pang on the spot materials. Maliit lang ang department store na ito, pero halos kumpleto na sila sa gamit which is a great help kasi nakakatipid kami ng oras at pamasahe papunta sa mall. The garland of flowers in the stair to the second floor is the department store's trademark. Kaya imbes na tawagin ito sa totoong pangalan na One Stop, tinawag na namin itong Eden on Earth nila Victor, Andrew at iba pa naming mga kaklase. But, of course, the name does not exist yet, mga around second semester pa siguro namin maiimbento ang pangalan na

