ALICE Sa bawat uwian na sabay kami ni Mike, at sa bawat paghihintay ng jeepney na madalas ay siya ang nauunang sumakay. Ito ang sandali na para sa akin ay nagbukas ng aking isipan. It is too subtle that I failed to notice it before. Isa ang araw na ito sa mga simpleng pagkakataon na magkasama kami ni Mike. Nasa sakayan lang naman kami ng jeepney, naghihintay ng masasakyan. At sa halos limang minuto na naming paghihintay ay ilang mga jeepney na na patungo sa barangay nila ang dumaan pero ni isa ay hindi pumara si Mike. I know I shouldn't overthink about simple things like this one. Pero bakit ko ba iniisip na may ibang kahulugan ang paghihintay ni Mike ng jeepney kasama ako? Madali lamang ang sagot diyan... maraming bagay akong hindi napansin noon. Hindi pwedeng ibalewala kahit ito, be

