ALICE "Baka maaga nga pala akong aalis mamaya," sabi sa akin ni Mike nang lumabas na ako ng girl's restroom. Nagbihis na kasi kami para pang activity ng team building. "Mga around five. Six kasi magsisimula yung activity namin sa church," dagdag niya. "Oh? Ba't ka nagpapaalam sa'kin?" hirit ko sa kanya kahit na alam ko naman ang dahilan. Magkasabay nga kasi kami palaging umuwi. Gusto ko lang talaga siyang inisin. "Really? That's how you'll act? Simula bukas wala ka nang kasabay umuwi." Pagtatampo niya. "Eew! Hindi bagay sa'yo magtampo," maarte ko naman na tugon sa kanya. "Ew! Di bagay sa'yo mag-inarte," banat niya na siya namang ikinagulat ko dahil sa mariin niyang pagkakasabi. I scoffed, he just mocked me using my own words, well not the exact words pero parang ganun na rin '

