CHAPTER 13 Troy POV. "Sa head quarters tayo." - Matalim kong wika sa driver ko pag katapos ay unti unti kung ipinikit ang mata ko. Kakabalik ko lang ng bansa ngayong araw, halos tatlong linggo akong balik balik sa ibat ibang bansa para sa negosyo. At kahit wala pa akong maayus na pahinga ay nag diretso na ako dito sa headquarters para ayusin naman ang problemang kinasangkutan ni Liam. "Master andito na po tayo." - Magalang na wika ni mang basyo ang driver ko. Pinag buksan ako nito ng pintuan at nag tuloy tuloy naman ako sa pag baba ng sasakyan at nag lalakad papasok sa abandunadong building. Sa labas pa lamang ay ramdam mo na ang proteksyon sa buong paligid. Kung titingnan ng isang ordinaryong tao ang building na ito ay para lamang gusaling abandonado na multo nalang ang naninirahan

