9

649 Words
Dedicated toAyanKyle ALEX POV Nasa mansyon ako ngayon at pinatawag kaming lahat ni mama dahil may importante syang sasabihin sa amin. Hindi ko alam kung ano iyon. Pati si Athena ay nadito din dahil part na rin sya ng pamilya dahil kay Venus. At nakita ko si baby princess na natutulog sa lap ng mama nya. Ang cute talaga nya. "Ma, ano ba yong sasabihin nyo sa amin?" Pagsisimula ni ate Hera. At nagpakawala muna ng buntong hininga si mama at nagsalita. " Tungkol ito sa nangyaring pagsabog sa bahay ng mga Saavedra dati" sabi ni mama at nakita ko na lumungkot yong mukha nya ng banggitin nya iyon. "Anong meron sa pagsabog dati ma? " takang tanong ni ate Hera. At tahimik naman kaming nakikinig sa kanila. "Ayon sa aking sources, habang ini imbestigahan ang kaso tungkol don, sinabi nila sa akin na hindi si Thor yong may pakana ng lahat na nangyari sa pagsabog" What???Takang nakakunot ang noo namin kay mama. So ibig sabihin mayron pang kasabwat na kalaban kung bakit ganun ang eagerness ni Thor para makuha ang yaman ng magulang nila. "Paano nangyari yon?" Taka ni ate hera. "The point is, hindi si Thor ang nagplano sa pagsabog kundi may nag udyok sakanya na magtanim ng bomba sa stage kung saan namatay ang magulang ni athena at ang papa nyo" ramdam ko ang galit ni mama habang sinasabi iyon. At nakita ko si Athena na nakuyom nya ang kamao nya dahil sa narinig at bigla syang tumayo. "Sino po ang taong iyon at ako mismo ang papatay sa kanya?!" Nang gagalaiting saad nya. Makikita mo sa mata nya ang matinding galit. "Calm down athena. I don't know kung sino sya dahil hindi nila alam kung sino ang master mind" si mama. So ibig sabihin may nagtulak kay Thor para pasabugin ang stage dahil ang alam ko ay nagsisi naman sya sa ginawa nya sa amin noon. At kung sino man iyong taong iyon humanda sya at ako yong unang papatay sa kanya. I smirk ng makita kong hindi parin makapaniwala ang mga kapatid ko pati na rin si mama. Pagkatapos naming nag usap usap ay naiwan kami nila Venus at Athena sa sala. Pinatulog na nila si Anastacia sa kwarto sa itaas. "Anong plano natin? Hindi natin alam kung sino yong tao na totoong master mind sa pagsabog" saad ni Venus na nakatingin sa akin at athena. "Ipapa private investigate ko ang taong iyon kung sino man sya at ako mismo ang papatay sa kanya! Dinamay pa nya ang kuya ko sa kagaguhan nya tang*in*" walang emosyong sambit nya at napatiing bagang ang mukha nya. "Kawawa naman si thor sa taong iyon at kamalas malasan ay nadamay pa sya" saad naman ni venus haabang pinapakalma ag asawa nya. "Kung sabagay, mahirap ngang hanapin kung sinong taong iyon. Hindi natin alam kung sino sya at malay natin baka isa sa mga kilala natin ang gustong pumatay sa ating lahat i mean pamilya natin". Walang emosyong sagot ko. Malay ko baka isa sa mga taong kakilala namin ang gumawa non at hindi ko alam kung sino sya. "Malay mo naman hindi ganun" naka pout na sabi ni Venus depensa nya. Napairap nalang ako sa kanya. "Pero kailangan parin natin mag ingat lalo na at hindi natin alam kung sino ang tunay na kalaban at isa pa hindi natin alam kung saan sya dito sa sulok ng pilipinas naglalagi" komento ni athena. Tama sya kailangan parin naming mag ingat at lalo na sa mga nakapaligid namin at pati kay Nath------ What? Erase erase! Paki ko naman sa babaeng yon. Ako ang dakilang huntress. Walang sino man mangahas na kalabanin ang pamilya namin dahil sisiuguraduhin kong patay ka sakin. I smirk. Sa masyon na ako nagpalipas ng gabi dahil 11pm na ng matapos kami mag usap usap nila venus. Dito ako sa kwarto ko nahiga at nagmumuni muni muna. Iniisip ko parin kung sino yong master mind at kung paano ko sya hahanapin. Madami ang madadamay sa kalokohang ginagawa ng taong iyon. Makatulog na muna at bukas ko nalang ulit iisipin kung ano ang gagawin. ****** "Goodmorning tita lexi!" Bati sakin ni baby princess habang pababa ako ng hagdan at nginitian ko ito. At sabay ngiti nito sa akin habang kumakain ng breakfast. 'Goodmorning baby princess" at hinalikan ako nito sa pisnge ng makalapit ako sa kanya. Nandito din sila ate hera,ate aphrodite at ang anak nila na nakakandong kay ate aphrodite habang sinusubuan ito ng pagkain. At pati si ate ley ay nandito rin habang may katxt sa phone na kinikilig pa. At iyong iba naman sy tahimik ha kumakain. Umupo na ako at kumuha ng hotdog,sinangag,scrumbled egg at nagpatimpla ako ng kape kay manang. "Oh,guyz..." basag ni ate persephone sa katahimikan. "Pupunta pala dito si Nathalia. May ibibigay daw sya sayo baby lexi" at napaangat naman ako sa ate ko at nakita kong napangisi sya. "Ok" walang ganang sagot ko. As if naman. Patapos na akong kumain ng may mag doorbell sa labas. Dug dug dug dug Luh? Ano to? Abnormal na ba tong puso ko? Tsk papatingin na nga ako sa doktor ko baka kung ano na ito tsk. "Hi a-alexandra" napatingin naman ako sa bumati sa akin at nakita ko na nakangiti sya at nahihiyang napayuko. Nakita ko na may bitbit syang paper bag. At napatingin naman ako sa mga kasama ko na nakatingin sa akin ng napangiti? Huh? Ano yon? "Ahm.. pasalubong ko pala sayo Alexa" nahihiyang iniaabot nya sa akin ang paper bag na dala nya. "Ok" walang ganang sagot ko. Kinuha ko nalang baka umiyak pag di ko tinanggap. Ayaw ko pa naman ng may umiiyak sa harap ko. Tsk. "Kumain ka na po ba tita nathalia?" Tanong ni baby princess ng makalapit ito sa kanya. "Hello baby princess.. oo tapos na ko kumain sa labas bago ako pumunta dito" hinalikan nya ito sa pisnge at napatingin ito sa akin ng nakangiti ng magtama ang mga mata namin. May kung ano akong naramdaman sa loob loob ko. Ewan? Kiti kiti ba yon? Tsk. Baka bulate ko lang sa tiyan. Kailangan ko na yata magpapurga. "Ahem" biglang may tumikhimn si ate persephone pala. Aba may gana pa yatang tuksuhin ako nito eh tsk. "Kumusta naman ang titigan moment lexi? Masarap ba? Hahaha" s**t. Bigla nalang umakyat ang dugo ko sa mukha ko. Napatingin ako bigla sa kanya at nakita ko din na namula sya. "Wala lang ate persephone" walang ganang sabi ko para pagtakpan ang pamumula ko. "Tapos na ko kumain. Akyat lang ako sa taas". At tumayo na ako at iniwan sila sa dining table. "Pag pasensyahan mo na si Baby lexi. Ganun lang sya nagwawalk out pag namumula hahaha" narinig ko pang sabi ni ate persephone. Bahala kayo diyan. Wala akong paki. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD