Isaac's POV Maaga pa lamang ay nasa harapan na ako ng aking laptop at iniisa- isa ko ang bawat airport kung may lumabas ba ng bansa na nagngangalang Tanya Morales at Jacob Ace Wilson, ngunit wala akong makuhang impormasyon tungkol sa paglabas nila ng bansa kaya marahil ay nandirito pa sila sa Pilipinas. "Bro may nakalap ka na bang impormasyon kung nakalabas na ba sila ng bansa?" Wika ni Hanz sa akin habang wala akong tigil sa pagtitipa sa aking keyboard. Hindi siya pwedeng umalis ng bansa hangga't hindi ko nasasabi sa kaniya ang katotohanan tungkol sa tunay kong nararamdaman para sa kaniya. "Wala pa, sa ngayon wala ang kanilang mga pangalan sa mga pasaherong umalis ng bansa." Wika ko naman dito. "Private helicopter or private plane? Kailangan mo ring kumuha ng impormasyon sa mga ga

