NAGLAKAD-LAKAD muna si Chelin at hindi maitatangging malawak pala ang loob ng yate. Saglit lamang siyang nag-ikot-ikot at pagkatapos ay pumasok na siya sa kwarto. Humigit-kumulang tatlumpung-minuto siyang naghintay sa loob ng kwarto habang nagsa-shower si Brian. Sa loob ng oras na iyon ay natingnan na niya ang kabuuan ng kwarto. Malawak iyon at hula niya ay iyon ang pinakamalawak na kwarto sa yate. Binuksan niya ang closet at nakitang mayroong mga bikini roon at ilang mga damit. Mostly, dresses. Pinaghandaan nga ng lalaki ang sorpresang iyon para sa kaniya dahil pati damit na para sa kaniya ay naroon na. Sa katabing closet nama’y mga damit panlalaki na hindi maipagkakailang kay Brian. “Bakit iisa lang ang kwarto namin?” bulong niya. Not that he cared about it since they almost grew up t

