LOOKING back, Chelin hoped that the time shouldn’t had passed by. Dahil kung huminto ang oras noon, hindi na sana natapos pa ang masasayang sandaling kapiling niya si Brian. Sana pala’y hindi muna siya umamin at sinunod ang kapatid nitong paibigin niya ang lalaki. Pero huli na ang lahat para magsisi. Wala siyang nagawa noong magdesisyon ito na i-take over ang pamamalakad sa unibersidad na pagmamay-ari ng tito nito kung saan nag-aaral ang babaeng nililigawan nito, wala siyang nagawa noong nabalitaan niya ang kumakalat na ispekulasyon kung saan engaged na ang dalawa. At wala siyang nagawa noong magpaalam si Brian na babalik sa Santa Fe... And she’s certain that the reason was to woo his first love. “Paano ang pag-aaral mo?” tanong niya kay Brian nang pagdesisyunan nitong bumalik sa probin

