Chapter 7: Vacation

1823 Words
SIMULA noong lumipat sa probinsya ang mag-anak na Mendoza ay hindi pa napasyalan ni Chelin ang mga ito. Lagi siyang inaalok ng mga kaibigan na puntahan ang mga ito pero palagi rin siyang may dahilan. Ngunit ngayong tag-init at wala nang pasok ay mukhang wala na siyang maidadahilan sa mga kaibigan. She agreed to go to their place. Samantalang hindi pwede si Rexton dahil may klase pa ang huli. Nakapunta na rin naman ito noong Christmas break kaya okay lang kung hindi ito makasama ngayon. “Bakit ba kasi ayaw mong pumunta rito?” Bree asked her thru phone call. “Magtatampo na talaga ako. Noong magkabulutong ako, hindi ka rin pumunta.” “May pasok noon,” dahilan niya. “Oo nga, pero I remember na long weekend naman noon. Kaya nga nakadalaw si Rex,” katwiran ng kaibigan. Napanguso siya. She couldn’t tell her that the reason was her brother. Mababaw na rason ngunit ayaw niyang makita si Brian lalo pa’t simula nang manligaw ito sa probinsyanang kaklase ni Bree ay laging bukambibig na nito iyon sa tuwing katawagan niya sa cellphone ang binata. “Na-busy lang,” palusot niya. “O, sige, I’ll buy that reason. But now, I won’t take no for an answer, Ate Chelin,” determinadong bulalas ni Bree. Kaya heto siya ngayon, lulan ng bus patungong Santa Fe. Susunduin na lamang daw siya nina Brian sa babaan sa terminal ng bus. Ginabi siya ng dating dahil na rin sa sobrang traffic sa EDSA. Pagkababa niya ng bus ay hindi na niya kailangang hanapin ang dalawa dahil narinig na niya ang patiling pagtawag sa kaniya ni Bree. “Ate Chel!” Mabilis na nakalapit sa kaniya at niyakap siya. “I miss you!” Bumeso siya rito. “I miss you, too!” “Chel, pumayat ka, ah. Baka maging tingting ka na niyan,” si Brian na kalalapit lamang. “Heh!” singhal niya. “Tara na. Gutom na ako,” natatawang sambit nito matapos guluhin ang kaniyang buhok. Nakaramdam siya ng konsensya dahil ginabi siya kaya malamang ay hindi pa nakakain ang mga ito kahihintay sa kaniya. Mahaba-haba rin ang biyahe kaya nakaramdam na rin siya ng gutom. “I know that look. Ang cute mo, mukha kang tuta,” pang-aasar ni Brian. Bumusangot siya nang pisilin nito ang magkabila niyang pisngi. “Hay naku, Ate Chelin, nagugutom lang naman si Kuya kasi hindi pa iyan kumain. Puro mobile games ang inatupag saka panliligaw roon sa classmate kong malaki ang dyoga,” sumbong ni Bree. “Brianna,” banta ng kuya nito sa mababang tinig. Napamaang naman siya sa huli. “Why? It’s true naman,” katwiran ni Bree. He scowled. “Sumunod na lang kayo sa sasakyan. And, your words.” Nakamaang pa rin niyang sinundan ng titig ang papalayong bulto nito. Ganoon na ba ito kaseryoso sa nililigawan? He even forgot to carry her bag. Nagngitngit ang kaniyang puso. Pero hindi pa naman ito nakalayo nang tuluyan ay bumalik ito para kunin ang mga dala niya. Napangiti siya rito kahit pa nga nakakunot pa rin ang noo nito bago lumayo sa kanila. “Don’t worry, Ate Chelin, minamaldita ko si Xycie para maramdaman niyang possessive ako kay kuya.” “You’re still doing that?” naiiling na komento niya. Matagal na nitong gawain ang sungitan ang mga babaeng nalalapit sa kay Brian noon pa man. Lalo na sa mga lantaran kung ihayag ang pagkagusto kay Brian. They were classmates from eighth to ninth Grade kaya alam niya ang gawain ng kaibigan. Natural na may pagkamasungit ito pero mas masungit sa mga babae. “Hm!” Proud na tumango pa ito. “Halika na nga, baka magdabog na iyon sa hummer kapag hindi pa tayo sumunod,” anyaya na nito sa kaniya. Namangha siya sa kasimplehan ng tinutuluyan ng mga Mendoza ngayon. Oo nga, malaki at medyo moderno ang disenyo ng bagong bahay ng mga ito ngunit malayong-malayo sa magarbong mansiyon sa Maynila. “Wow. Nakakapanibago,” komento niya nang makarating sa loob ng bahay. “True. Gusto kasi ni mommy na magpaka-low profile kami rito para raw hindi kami mahirapan sa pag-a-adjust.” Sakto namang lumabas ang mommy ng mga ito na si Tita Emily mula sa kusina upang salubungin siya. “Mano po, Tita.” Nagmano siya. “Grabe po, hiyang ninyo rito!” puri niya sa ginang. Paano’y para sa kaniya, tila mas bumata ang itsura nito. Bumagay ang maiksing gupit ng buhok nito sa sopistikada nitong awra. Duda tuloy siya kung low profile nga ba ang mga ito kung nagsusumigaw naman sa itsura ang pagiging maykaya. “Ikaw talaga, Chel, manang-mana ka sa mama mong bolera,” biro nito. “Naku, hindi ho. Si Papa ang bolero, kaming dalawa ni Mama, honest,” natatawang turan niya. Tumawa rin ang mga ito. “Kumain na kayo. Nakahanda na ang hapag. Nandoon na si Brian at nagugutom na raw,” alok ng ginang. “Aakyat na ako sa taas, matutulog na ako,” paalam nito. “Dalhin na muna natin sa kwarto ko ang mga gamit mo para makapag-shower na rin ako,” ani Bree. “Hindi ka na kakain?” Umiling ito. On diet daw ito at kakain lang ng prutas. “Magsa-shower na ako ngayon para mamaya, magpapahinga na lang.” Nang maiakyat nila ang mga dala niyang gamit ay bumaba na kaagad siya agad para makakain. Habang kumakain ay panay ang pagtipa ni Brian sa cellphone nito. Nainis siya. “Bry, kumakain tayo,” saway niya. “I know. I’ll just text Xycie and tell her not to skip her meals.” Nangunot ang kaniyang noo. “Why? Are you her nutritionist or what?” Bahagya itong umiling at ngumisi. “I told you I’m courting her.” “Bahala ka nga!” Nagdadabog na umalis siya sa hapag. Mabilis siyang nahabol nito at nahawakan ang kaniyang braso. “Huwag kang umalis. Tapusin mo na ang pagkain.” She sighed, and followed him back to the table. Tahimik na tinapos na rin niya ang pagkain. “I’m sorry. I just don’t want her to feel neglected kaya panay ang send ko ng text messages sa kaniya,” esplika nito. “You don’t even like texting, Bry,” komento niya. “You only like playing games with your phone,” she said as a matter of fact. “Kaya nga pinipilit ko lagi ang i-text siya para kahit naglalaro ako, alam niyang inaalala at naaalala ko siya.” “Hmm... ‘Kay,” malamig na tugon niya. “I’m sorry. Paano ba ako makakabawi sa iyo?” “D-don’t use your phone when you’re with me,” pabulong niyang sagot. “But—” He sighed his defeat. Nilapit nito ang cellphone sa kaniya. Sakto namang tumunog ang message alert tone niyon at nag-pop ang reply ng nililigawan nito sa screen. She really read the name, ‘Xycie’, with heart emoticon pa. Pero bago pa maiwas ang tingin doon ay nahanap niya ang sariling binabasa ang message: Yup. I’m done eating. Kumain ka na rin, Basa niya sa isip. May smiley pa ito sa dulo ng text message. Nagdadalawang-isip si Brian kung kukunin ba nito ang cellphone pero sa huli ay tiningnan siya nito at pinagpatuloy na ang pagkain. She felt relieved. “So, how’s the city?” he asked. “Better,” nakangiting sagot niya. “Sometimes, I watch the news. Ang dami na agad nagawa ni tito sa lungsod bilang mayor. Lahat positibo ang resulta,” puri nito. She genuinely smiled. Hindi natinag ang kaniyang papa sa nangyari noong nagdaang eleksyon. Mag-iisang taon na pala iyon. Solidong taga-suporta ng kabilang partida at may sakit sa utak ang may pakana sa shootout. Anito’y hindi nito sasayangin ang mga balang tinamo nila para lamang magpasindak sa taong puno’t dulo niyon. Bagkus ay pagseserbisyuhan pa lalo nito ang mamamayan at hindi sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob sa kaniyang papa. She felt proud having a father like him. Full of principles. May paninindian pa. “Sabi nga ni Daddy, kung gusto naming bumalik sa mansiyon, pwede na. But Mom doesn’t like the idea of going back.” “Tahimik dito, Bry. Maybe she found peace in here. At isa pa, mukhang okay na rin naman kayo rito, ah?” “But I know she always misses dad. Once or twice a week na lang kasing nakakauwi si daddy rito. Busy sa trabaho,” nalulungkot na hayag ng binata. “Kailangan kasi.” “Kaya nga gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral para matulungan ko na si daddy.” “Sus! Panay mobile games ka naman. Puro panliligaw pa ang inaatupag,” akusa niya. “Gusto kong ma-offend sa mga sinasabi mo. But you know me better, my princess.” Nanulis ang nguso niya nang ngumisi ito. Maganda kasi ang standing nito sa eskwela at alam niya matataas ang grado sa lahat ng subjects sa buong first year nito sa college. “Bilib ka na naman,” nakangising turan nito. She rolled her eyes and grabbed a banana. Binalatan niya iyon at kinain para hindi makapagsalita muna. “Dahan-dahan, baka mabulunan ka,” turan nito. She just continued eating. Nasamid nga siya. Mabilis na inabot ni Brian ang isang basong tubig sa kaniya. Tumayo rin ito at hinagod ang kaniyang likuran nang mahimasmasan siya. “Sinabi ko naman kasing dahan-dahan lang,” panenermon nito. Hindi niya namalayang magkalapit na sila nito at halos ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha niya sa balakang nito. Nakatayo pa rin ito habang hinahagod ang likuran niya. Nag-iwas siya ng tingin at nagpasalamat dito. “Pagod na ako. M-magpapahinga na ako. Ikaw na ang bahala sa pinagkainan.” “Inaalila mo na naman ako,” biro nito. Tumayo siya at sa nanginginig na kamay ay tinampal niya ito. “Of course you’re my servant!” pilit na pinagagaan niya ang usapan para makaiwas siya agad. “Your always and forever servant, my princess,” pakikisakay nito. Napakurap-kurap siya dahil iba ang dating ng mga katagang iyon sa kaniya. “Papanhik na ako,” patakbong lumayo siya sa binata. Tahip-tahip ang dibdib pagkapasok sa kwarto, nabungaran niya ang nagtatakang si Bree dahil sa kinikilos niya. Nagdahilan na lang siya na pagod na kaya kailangan na niyang magpahinga. Kinabukasan ay nagpunta sila sa pinakamalapit na mall ni Brianna para mag-shopping. Sumama si Brian upang huwag na raw silang mag-commute. At para may tagabitbit na rin ng mga pinamili nila. “Kumain na muna tayo bago mamili ulit.” “Waldas kung waldas kayo ngayon, ah,” komento ng binata. She then laughed because he meant: Enough already. I can’t bring all of these. “Sayang naman ang muscles mo kung hindi mo magagamit, ‘no!” turan niya. “Gamit na gamit ito.” “Oo, sa paglalaro ng mobile games,” bara niya. “Bakit ba hindi ka mag-basketball ulit?” sugestisyon niya. “The boys here don’t like playing basketball. Hindi nga babad sa araw pero babad naman sa online games.” katwiran nito. “Pambihira! Naturingang nasa probinsya pero hindi nagba-basketball?” “Nakapaglalaro naman ako ng basketball sa school. Noong Sports Fest kasali ako sa mga varsity. I was the MVP,” pagmamalaki pa nito. “Bakit hindi ko alam iyon?” tanong niya. Napakamot lang ito ng ulo. “I forgot to tell you.” “Nagpapa-pogi points kasi iyan doon kay Gomez, Ate Chel,” sabad ni Bree sa usapan. “That girl again?” busangot na aniya. “Xycie is really cute! Ipapakilala kita minsan,” sabi pa nito. Napabusangot lalo siya. Akala ba niya siya lang ang cute para rito? “Kumain na nga tayo!” singhal ni Bree. Which they did. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD