Capitulo I

1139 Words
CHAPTER ONE: Escape ------- Samantha's Point of View ------------- "Are you ready for the comeback of the three powerful mafias?" Masiglang pahayag ng isang babaeng may suot na magarang itim na damit, at puno ng kolorete ang kaniyang mukha. Nakakabinging hiyawan ang bumabalot sa loob ng Inferno. May iba na halos tumalon at naghihiyawan dahil sa sabik na makikita ulit kami. Hindi silang pangkaraniwang mga tao, katulad din namin sila. "Let us all warmly welcome, the three powerful mafias!" At biglang umangat ang elevator kung saan lulan kami rito. May tig-iisa kaming elevator. Ako sa gitna, si Dragonita sa kanan at si Lhord Devilinous sa kaliwa. Ang elevator na ito ay isang uri ng salamin kung saan hindi basta-basta mababasag. And again, nagsigawan ang lahat nang bumukas na ang sakay naming elevator. Hindi pa nila nakikita ang aming mga mukha, maski kami. May suot kasi kaming mga maskarang gawa sa metal. Lumabas na kaming tatlo at dumiretso agad kami sa aming mga trono. Pasimple kong sinuri ang buong paligid, sinigaw nila ang aming mga pangalan. Ngunit mas nangingibabaw ang pangalang Silent Mafia Killer "Let the battle begin!" Pasigaw nitong sambit. Agad nagwawala ang mga tao rito sa loob ng Arena. Unang tinawag si Dragonita Mafia, isa siyang babae halata sa hugis ng kaniyang katawan. May hawak siyang dalawang samurai. Prente itong nakatayo, halatang naiinip na siya. Mabilis kumilos ang tatlong lalake at agad naman sinugod ni Dragonita ang mga ito. Maliksi ang kanyang reflexes, medyo nagslant siya ng kaunti saka siya bumwelo at tinira sila paikot. Mabilis siyang nag-counter attack, kaya in just a split of seconds tulog na ang tatlo. Bakit? Because of her samurai, its not just an ordinary. Isang daplis lang, tulog ka na agad dahil sa poison na bumabalot sa kanyang equipment. Sumunod naman si Lhord Devilinous, seryoso ko siyang tinititigan. May suot itong knuckles, napangiwi ako roon. Isang baon lang ng spikes sa knuckles baka ikinahina na nila agad ito. Malamig ang kanyang awra, damn! napaka misteryoso Niya. Mabilis na nagpapalitan ng suntok ang dalawa. Natatamaan minsan ng kalaban ang kanyang mga suntok kay Lhord Devilinous subalit nahihirapan parin siya dahil sinangga niya ang mga kamao niya. Tumalon si Lhord Devilinous para iwasan ang ibinigay nitong sipa pero hindi inaasahan ng kalaban na nasuntok ni Lhord Devilinous ang kaliwang braso nito at agad naman bumaon ang dalawang spikes dito. Napangiwi ako nang umaapaw ang dugo ng lalaki sa kaniyang braso. Nang marinig kong tinawag na ang aking pangalan, naglalakad na ako sa gitna ng battle grounds. Tanging takong ng suot kong heels ang maririnig. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin, napangiti ako dahil doon. Mabuti nadala sila sa awra ko. Then I snap. I heard a loud cheers and plaudits from the crowd. Tinaas ko ang kamay ko, at inilagay ko na ang pointing finger ko sa aking labi. Sign na tumahimik na sila, natahimik naman sila dahil doon. Tama lang iyan, ayaw ko sa lahat ang maingay. Biglang may tatlong lalaki na tumuntong sa stage na aking kinatatayuan. Meron silang dalang dagger at isang katana. So unfair, wala akong dalang armas. Halata sa kanila ang takot at kaba, napangisi ako sa kanilang inasta. Sige lang, matakot kayo sa akin. Hindi naman talaga ako ganito. [ 2 years ago] Nagmamadali akong paakyat sa itaas patungo sa aking silid nang nalaman ko'ng paalis na sila mommy at daddy. Agad akong pumasok sa aking kwarto at kinuha lahat ng mga damit ko sa cabinet at nilagay sa aking maleta. Pagkatapos ay agad akong nag bihis ng simpleng damit gaya ng T-shirt at denim jeans lamang. Kailangan ko nang umalis baka maabutan pa nila akong tumakas. "Samantha? Where are you going?" Malamig na sambit nito. Halos napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng kapatid ko na si Stane. "Anong ginawa mo rito? Akala ko ba may training ka sa kampo ngayon Stane?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Lagot ako nito. "Bumalik ako kasi sasabay na tayo pupunta sa kampo." Seryoso niyang sambit. Shit, ayoko nang mag training! Ayoko nang bumalik doon, natatakot na ako! "Stane, aalis ako. Ayokong mag training, ayaw kong maging isa sa kanila!" Mariin kong sabi sa kaniya. "What? bakit ka ba aalis? We need this, para sa angkan natin." Dahan-dahan niyang pagkakasabi. Angkan na puro mga demonyo. "What ever Kuya! Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw saka umalis dala ang maleta ko. "Please, huwag kang umalis!" pagmamakaawa niya sakin. Pilit kong pinigilan ang aking luha nang makita ko ang aking kapatid na nagmamakaawa. "Sorry Kuya but hindi ko na talaga kaya. I don't like this kind of life." At doon tumulo ang aking luha at agad ko itong pinunasan gamit ang aking kamay. "But--" Agad kong pinutol ang kaniyang pagsasalita nang agad ko siyang niyakap nang mahigpit. "Mag-iingat ka kapatid, huwag mong pababayaan ang sarili mo ha? Huwag kang mag-alala, babalik ako. Pangako iyan." Bulong ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo niya. "Buo na ba talaga ang desisyon mo?" Emosyonal niyang pagkasabi. Mamimiss ko 'tong taong to? "Yes Kuya, matagal ko nang plinano ito. At buo na ang desisyon ko." Ngumiti ako nang pilit saka niyakap ko siya muli at kaagad umalis sa kanyang kinatatyuan. Sa pagtalikod ko sa kaniya, agad nagsibuhusan ang aking mga luha. I will miss Stane so much. Siya lang ang tangi kong kaibigan sa buong buhay ko. Siya lang ang matataguan ko ng sekreto ang karamay ko sa lahat ng problema ko. Agad naman ako nagmamasid sa may malaking gate. Nandiyan pa rin ang mga Black Assassins, sila ang mga guwardiya dito sa aming mansion. Agad ko naman kinuha ang equipment ko na regalo ni mommy saakin when I was 10 years old. Isa itong uri ng equipment kung saan pampatulog ng kalaban gamit ang isang dart na itusok sa parte ng kanilang katawan at para sila ay makatulog. Agad ko itong nilagay saking labi at tinira sila isa-isa sa kanilang leeg at tulog silang lahat. Agad akong tumakbo at lumabas sa isang napakalaking gate. Buti naman at nakatakas na ako. Mamimiss ko kayong lahat. Pero napag desisyonan ko na ito, kailangan ko ng ibang buhay. Malapit nang dumilim at naglalakad na ako papunta kung saan may dumadaan na sasakyan. Ang bahay kasi namin malayo sa syudad kaya kailangan ko pang maglakad upang makapunta sa sakayan. Ramdam ko ang ihip ng hangin at nagsisiingayan na kuliglig. Bigla akong kinabahan nang may biglang kaluskos akong narinig sa paligid. Kaya nagmamadali akong naglalakad. At salamat, may nakita akong paparating na truck na may karga na dayami. Agad ko naman itong hinabol at hinagis doon ang dala kong maleta at tumalon naman ako para makasakay ako rito. Buti naman hindi ako napansin. Huminga ako ng maluwag at sa wakas, nakatakas na ako sa mala impyerno na buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD