HANZ’s POV “Saan ko hahanapin si Thisa?” kasama ko ngayon si Roel at pareho na naming tinatawagan ito. Salitan kami sa pag-dial ngunit pareho na hindi niya sinasagot. “Hindi niya rin sasagutin ang tawag ko dahil alam niya na mag-kaibigan tayo. Nasa isip na niya ngayon na ipagtatanggol kita sa kanya kahit ang totoo ay hindi dahil nagawa mo na ang kasalanan. Hindi kita sinusumbatan pero naka-ilang paalala ako sa iyo. Ngayon, ito na ang resulta. Saan natin siya hahanapin? Napuntahan mo na ba ang apartment ng kaibigan niya?” “Oo, pinuntahan ko na rin kanina at hindi naman nila nakaka-usap ito. Hindi rin sila magkaklase dahil magka-iba ang course nila. Anong gagawin ko, Roel?” “Ang dapat mong gawin ay harapin si Elaine at ang mga kaibigan niya. Hindi lang si Elaine ang may pakana no’n p

