HANZ’s POV Abala ang lahat sa pag-aayos ng aming bakuran. Binyag at house blessing ang gagawin bukas. Ayaw pumayag ng aking mahal na hindi siya mag-manage sa pag-aayos. Masyado siyang hands on lalo na at para sa aming bahay at kay Ethanz ang magaganap bukas. Nakitulong na rin ako sa kanila. Kasama naman namin ang isang katulong namin para magbantay sa anak namin na isinama rin ni Thisa. Gusto ko nga sana na paalagaan na lang kay Mommy, ayaw naman niyang pumayag dahil dito kami matutulog mamaya. Saka na raw kami magsolo, sa honeymoon na lang namin. Sa ngayon, kung magkasama naman kami ay isama na rin daw namin ang aming anak. Kaya nandito si Ethanz at si Tess para alagaan ang anak namin sa magiging kwarto nito. Padating na rin ang kinuhang yaya para kay Ethanz. Plano naming kunin si

