HANZ’s POV Malakas ang ulan pero wala namang declaration na may bagyo. Kanina pa ako rito sa school ni Thisa at hinihintay ko siya. Bitbit ko ang malaking payong na kasya kaming dalawa. Bumaba na ako sa sasakyan ko dahil hindi naman pwedeng idikit sa building nila ang sasakyan. Na-message ko na siya na narito na ako. May tinatapos na lamang ito at bababa na raw siya. Nasa may third floor ang classroom nila pero dito niya ako sa ibaba pinaghihintay. Dadaan pa kami sa dormitory niya para kunin ang kanyang gamit. Sa bahay muna siya mag-stay. Request ko ito sa kanya. Umalis sina Daddy at Mommy para sa isang bakasyon. Matagal na itong naka-schedule kaya alam na alam ko. Pati ang mga katulong ay pinagbakasyon na rin muna nila. Ilang araw lang naman sila mawawala. Marunong naman ako sa ba

