THISA’s POV Wala pa rin reply sa akin si Hanz. Kanina pa ako nag-message sa kanya na gusto kong kumain ng santol pero wala pa siyang reply. Alam kong may meetings siya pero yung tingnan man lang sana niya ang kanyang phone at sagutin ako ay okay lang. Hindi pa naman ako makalabas ng bahay, tinatamad akong maligo. Nagbago pakiramdam ko simula nung pinaliguan ko si Hanz. Sabi ko mas okay na ako na lang ang maglihi dahil kawawa sa kanya ang mga nakikita niya lalo na kay Roel. Si Hanz ang gusto kong kausap at ayaw ko ng iba. Siya lang gusto kong bumili ng santol at hindi kung sino. Nauubos na ang pasensya ko. Padilim na pero hindi pa rin siya nagre-reply. Nag-decide na akong tanungin si Roel kung ano ang pinagkaka-abalahan ni Hanz. “Good evening, Roel. Busy ba si Hanz?” iyon lang ang me

