THISA’s POV Dumating na ang pasukan. Hindi ako kaagad nag-stay sa dorm dahil irregular class pa lang naman. Wala rin si Hanz dahil sa mga kabi-kabila niyang trainings and seminars na in-attend-an. Kailangan niya ito lalo na at baguhan pa lang siya. Naiintindihan ko naman siya. Ayaw kong maging pabigat sa kanyan lalo na ang relasyon namin. Mas magkakaroon ng problema kung pipilitin ko siya sa mga bagay na hindi pa niya sa akin maibibigay. At tulad niya, ganoon din ako dahil nag-aaral pa ako. Kung hingiin din niya ang time ko, nakadepende iyon sa availability ko kung walang matatamaang schedule sa school. Sa ngayon, may mga kanya-kanya pa kaming priorities sa buhay. At ang mga ito naman ay preparation para sa mga plano namin sa future. Hindi naman siya nagpapabaya. Lagi na siyang may text

