THISA’s POV
Sabi nila ang age ko ang nagkakaroon na ng mga crush. Gusto kong maniwala dahil kahit grade 7 pa lang ako ay humahanga na ako sa isang grade 10 student. Kailan ko kaya siya makikilala yung tipong mag-shake hands man lang kami.
Thisa ang tawag nila sa akin pero ang buo kong pangalan ay Thisa LIbz Martin. Nag-iisang anak ng aking Daddy na inubos na lang ang oras sa kanyang trabaho. Ang Mamita ko na Mommy ni Daddy ang nag-aalaga sa akin. May Tito rin ako si Tito Dougz na ubod ng pasaway. Lagi na lang may kinakalantaring mga babae sa bahay namin. Sumasakit na nga ang ulo ni Mamita dahil sa kanya. Imbis na tulungan si Daddy para naman magka-time ito sa akin ay hindi niya ginagawa. Kakatapos lang niya ng College at heto patambay-tambay rito habang may kayakap na babae. Sanay na ako sa kanya kaya deadma na lang.
Dahil nag-iisang anak ako, ako ang magiging tagapag-mana ni Daddy. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko pero ngayon ko na-realize na hindi pala lahat ng gusto ko ay pwede kong makuha. Katulad na lang ng crush ko sa school. Kahit tingin man lang nito ay bihira nitong ituon sa akin.
“Mamita, am I pretty?” humarap ako sa aking lola at umikot ikot pa kahit mukha ko lang naman ang tinatanong ko.
“Of course, princess. You’re pretty like Mamita. Kanino ka pa ba magmamana?” sagot naman sa akin ng aking lola.
“Yung totoo po, Mamita. Pwede po ba akong magustuhan sa looks ko?” pangungulit ko pa. Wala naman akong ibang matatanong at kapag ang mga maids ang tinanong ko, syempre oo lahat ng sagot nila. Si Daddy naman ay sasagot din iyon pero hindi naman ako tinitingnan.
“Wait, princess. Baby ka pa namin. Hindi ka pa pwedeng magustuhan ng mga boys. Kapag dalaga ka na, pwede kang ligawan dito sa bahay. May natitipuhan ka na ba, hija?” ani Mamita.
“But, Mamita, I’m already a teen ager. And girls my age also have crushes. It’s normal, Mamita.” Paliwanag ko sa aking lola.
“It’s okay aif you have a crush in school,basta hanggang crush lang. Gawin mo lang siyang inspiration. Pero no boyfriend, okay?” pumayag na ako sa gusto ni Mamita kaysa pagbawalan pa niya ako. Pero kahit naman sabihin niyang hindi pwede, ang puso at isip ko ay hindi na papapigil sa kilig kapag makita at masalubong ko si Hanz. Hindi ko pa alam ang room nila. Siguro dapat hanapin namin kapag may PE kami. Kaya lang ay napakahigpit ng aming principal laging nag-iikot at hindi rin pwede na ang mga student ay pakalat-kalat sa mga hallway. Kaya nga kapag may iuutos ang aming PE teacher ay nagpiprisinta ako para maka-ikot ako at kapag may sumita sa akin may reason ako.
“Umakyat ka na sa room mo and change your clothes. Kakain na tayo. Kanina ka pa namin hinihintay.” Utos ni Mamita.
Umakyat na ako ng kwarto. Makakasalo pa namin sa hapag – kainan ang kasama na namang babae ni Tito Dougz. Mukhang kadarating lang din nila.
Nagpalit na ako ng damit para makakain na kami at magkukulong na lang ako rito sa room ko. Wala pang makakakita sa akin kahit na kiligin ako nang kiligin. Si Mamita naman ay matutulog iyon dahil siesta time niya.
Madami pang pagkakataon na magkikita kami ni Hanz, my love. Ilang linggo pa lang naman nang magsimula ang pasukan. Kailan ko kaya siya makikilala?
Naglaro ako ng flames at lumitaw na may affection ako sa kanya at totoo naman. Ang nakakaloka siya love niya ako, totoo bai to? Kilig na kilig ako sa results kaya lang kapag pinagsama lumalabas enemy. “Baka kaya enemy kasi mag-aaway kami dahil sa asungot sa paligid. Pero doon ako sa love niya ako. Love rin kita Hanz,” nakangiti kong sambit habang nakahiga ako sa aking kama. Tapos na kaming mag-lunch kaya nandito ako sa kwarto at kilig na kilig. Duda tuloy ako kung makatulog ako.
Naisipan ko na gumawa ng isang diary. Diary para sa kanya. Ito ang unang araw na susulatan ko ang diary ko para sa kanya. Parang letter to my future boyfriend. “Ano kayang isusulat ko ngayon?” bulalas ko at kinakausap ko ang aking sarili.
Naghanap ako ng isang mga cute size notebooks sa aking mga gamit. Mahilig akong bumili ng mga note pads, post it at cutie notebooks. At ngayon ay may paggagamitan ako nito. Dito ko na lang isusulat ang mga gusto kong sabihin kay Hanz.
“Dearest Hanz,
I just saw you kanina. Sorry hindi kita nalapitan ‘cause I’m kinda busy. Inabutan na ako ng bell bago pa makalapit sa ‘yo. How’’s your day my love? How’s your school? Always eat on time. Don’t worry magkakasabay rin tayo. Busy pa ang girlfriend mo. Hindi mag-match ang ating busy schedules. Basta, always remember that I love you. Take care, mahal.”
Love,
Thisa”
Ito ang letter ko para sa kanya ngayong araw. Everyday ay susulatan ko ito.
Itinago ko pa ito sa hindi makikita ni Mamita. Minsan ay pumapasok siya dito para i-check ako. Hindi naman siya nakikialam sa mga things ko kaya lang kung nakabuyangyang ay pwedeng maka-agaw pansin ito. Kaya doon na sa safest place ko ilalagay.
Nakatulog pala ako sa kakaisip kay Hanz. Nagisinga ko sa tunog ng aking telepono. Tumatawag sa akin si Mel. Si Mel ang masasabi kong close friend ko sa school. Ito ang katabi ko kaya kami ang naging magka-vibes.
“Hello Mel!” sagot ko dito habang nakahiga pa ako.
“Bakit mukhang pagod na pagod naman ang boses mo? May ibabalita ako sa iyo. Hindi ka ba nagbabasa sa GC.”
“Kakagising ko lang. Nagising mo nga ako. Anong balita ‘yan? Baka gagawa ng projects o groupings na naman?” tamad kong sagot dito sa kaklase ko s***h close friend.
“Magkakaroon daw ng intramurals. Kaya nagtatanong kung sino ang gustong sumali sa cheering squad. Naisip lang kita kasi kanina di ba naglalaro ng bola yung crush mo, baka player iyon ng basketball.” Sagot nito sa akin.
Napaupo ako dahil sa mga pinagsasabi nitong si Mel.
“Anong kinalaman ng cheering squad sa paglalaro niya ng basketball? Hindi naman kami magkakasama.” Pagliliwanag ko sa kanya.
“Ano ka ba gurl? Kapag part ka ng cheering squad nasa may court ka. Kapag ang senior ang kalaban ng freshman makikita mo siya ng malapitan. Pagkakataon mo iyon gurl!” sambit nito. Bigla akong natuwa at nagpaalam na dito.
“Sige na at sisilip ako sa GC. Sasali ako, salamat Mel. Biglang sumaya ang puso ko. Ililibre kita sa Monday.” Masaya kong wika dito. Pagkatapos nang pag-uusap namin ay sumilip na nga ako sa aming GC.
Wala nang tanong tanong basta nagsabi ako na sasali ako. Magaling naman akong magsayaw. Sa television at movies ko lang nakikita ang ginagawa ng cheering squad. Ngayon pa lang ay excited na ako. Aayusana ko ay magsusuot kami ng maiksing palda. Makikita ni Hanz ang maganda kong legs. Sisiguraduhin ko na mapapatingin siya sa akin.
Sumagot na ang teacher namin at isinama na ako sa listahan. May audition pa raw iyon at hindi lahat ng sumali ay may posibilidad na mapili. May iba pang mga sections at baka roon ay may sumali rin. Sa aming section pa lang ay ang dami nang nagpalista. Kailangan ay mag-practice akong sumayaw at dapat magaan ako para hindi mahirap akong buhatin.
Maasahan talaga si Mel. Sa araw ng PE namin ang audition kaya paghahandaan ko talaga ang araw na iyon. Kailangan makuha ako at kailangan kasali ako sa cheering squad ng level namin.
This is my time to shine at kailangan kong galingan para mapansin ako ng aking Hanz!