THISA’s POV Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Hanz. Sobrag busy kami sa thesis at ngayon na tapos na namin ito ay lagi naman masama ang pakiramdam ko. Habang nakahiga ako rito sa aking kama ay nag-scroll ako sa aking phone. May nabasa ako, tungkol sa pagbubuntis. Hindi ko alam bakit bigla akong natukso na basahin ito? Masakit ang ulo, parang nahihilo at nagsusuka sa umaga na wala namang lumalabas. Pati sa pagkain ay nagiging maarte ako. Bigla akong napabangon sa aking higaan. Hindi pala ako nagkaroon nitong buwan na ito. Nawala naman sa isip ko. Wala sana akong balak lumabas ng bahay pero kailangan ko. Bigla kasi akong knibahan. What if buntis ako? Hinndi naman ako tatakbuhan ni Hanz dahil gusto nga niya na makasal kaming dalawa. Pero ang magulang ko at lola ko, anong sasabihi

