HANZ’s POV Lumipas ang nga araw na nakalimutan ko ng puntahan si Mr. Martin. Bukod sa negosyo ko ay ang daming iniuutos ni Daddy. Sa tuwing may bakante akong oras para makasaglit kay Mr. Martin ay saka naman ito biglang tatawag. Hindi ko alam kung sinasadya ba ang pag-uutos sa akin ng biglaan e. Para hindi rin sayang ang oras ko ay tumatawag ako sa secretary ni Mr. Martin para alamin kung nasa opisina ito. Madalas din na nakukuha kong sagot ay wala ito at nasa meeting o di kaya ay bumisita sa ibang branch nila. Hindi naman magsisinungalin sa akin ang secretary at ganoon din si Mr. Martin. Lalaki rin naman na kausap siya kaya walang pagdududa kapag sinagot akong wala ito. Ngayon na may bakante akong oras ay magagawa kong bumisita ngayon sa kanya. Sana ay nandoon siya. Hindi na lang ako

