THISA’s POV Bumukas ang pinto at narinig ko na ang boses ng iba ko pang mga kaibigan. Isinara muna nila ang pinto at saka pa lang inalis sa aking mga mata ang kanina pang nakatakip dito. Isang room nga ito at may ayos pa ang kama. Sa may kama nila ako pinaupo sa pinadulo nito. Sila ay nasa may sofa na nakaharap sa pwesto ko. “Ano ba itong pasabog ninyo? Baka mamaya ako ang maputukan sa ginawa ninyong ito.” Turan ko sa kanila. May mga ayos at may table na puno ng pagkain. May mga regalo rin na nasa harapan nilang center table. “Pwede ka naman maputukan talaga,” sagot sa akin ni Jona na may asawa na. Kaya medyo malaswa ang kanyang salita. Nagtawanan lang kaming lahat. “Masyadong nagmamadali ang ating soon to be bride. Ngayon nga lang natin siya nasolo pero parang gusto na agad umuw

