CHAPTER 11

1226 Words
Chapter 11:Cashren's parents "Oh, come on! Open up!" sigaw niya at nagsunud-sunod ang mahihinang katok niya na ikinatawa ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at akmang bubuksan na sana ang pintuan nang marinig ko ang boses ng lalaking iyon. Ang dahilan kong bakit ako nasasaktan ngayon. "Come here, baby. Gusto kang makita ng tita Marga mo," dinig kong sabi niya. Who's Marga? "Reaye (really) dad?" tila excited pang tanong ng bata. Napabuntong-hininga na lamang ako bago bumalik sa pag-upo sa sahig. Maya-maya lang ay narinig ko na ang papalayong footsteps nila. Kinabukasan ay maaga akong naghada para pumasok na sa university. At nagulat pa ako nang may nakita akong isang tangkay ng rosas at may maliit na card pa ito. Kunot-noong binasa ko ang nakasulat. I'm sorry for being rude. -Vesalius Napahawak ako sa dibdib ko nang bumilis kaagad ang pagtibok no'n. At parang kisap mata lang ay nawala na kaagad ang galit ko sa kanya! Tangina naman! Napaka-rupok ko naman talaga! KATULAD ng inaasahan ko ay wala na ang mag-ama. Nakaka-lungkot talaga ang ganito. Naramdaman ko ang karangyaan sa mansion na ito pero malungkot pa rin ako. Kahit wala akong ganang mag-agahan ay kumain na lang din ako. Ako naman ang kawawa kung walang laman ang sikmura ko. Ready na sana akong papasok sa university ngayon nang biglang may sumundo sa akin. Sinugod daw sa hospital ang daddy ni Cashren at kailangan ko raw pumunta roon. Kinabahan naman ako. Pero hindi ko matukoy kung saan ako mas kinabahan. Ang ma-meet ko ang parents ni Cashren o 'yong nalaman kong nasa hospital ang daddy niya? Basta ang alam ko ay hindi ako mapakali sa back seat at wala pa ring tigil sa pagkabog ang dibdib ko. Narating namin ang hospital at mabilis na inakay ako ng lalaki. Patakbo pang pumasok kami at naka-uniform pa ako. "Cashren!" naiiyak na sigaw ng isang magandang ginang at sinalubong na ako kaagad nang mahigpit na yakap. I froze because I felt weird. Wala akong nagawa kundi ang yumakap lang din sa kanya pabalik. Kahit naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Parang feeling ko safe ako sa yakap ng ginang. Parang may something na mahirap i-explain. Basta comfortable ako sa presence niya not until napatingin ako sa pintuan ng OR. Hayon na naman ang kaba ko, ang pamilyar na pakiramdam. Naramdaman ko ito noon nang nag-aagaw buhay ang lola Inding ko. "Darling...'yong daddy mo..." naiiyak pa ring saad ng ginang. Inaya ko siyang umupo at hinagod ko ang likuran niya dahil wala siyang tigil sa pag-iyak niya. "Tahan na po, m-mommy. Magiging maayos din po ang lahat," sambit ko at muntik pang pumiyok ang boses ko. Naiiyak din kasi ako! Napatayo naman siya nang biglang bumukas ang pintuan ng OR at lumabas doon ang doctor. Abut-abot ang kaba ko at napatayo na lang din ako. "Sino rito ang kamag-anak ng pasyente?" tanong kaagad ng doctor. "Kami p-po, doc. K-Kamusta po ang asawa ko?" kinakabahang tanong ng ginang. "Kailangan namin salinan ng dugo ang pasyente, the patient lose his bloods. Iyong compatible sana," ani ng doctor at mabilis na binalingan ako ng ginang na ikinakaba ko. Oh no! Huwag sana! "Ang anak ko, doc. Darling, ka-blood type mo ang daddy mo at alam kong compatible ang dugo niyo sa isa't-isa." "P-Po?" gulat na sabi ko at wala akong nagawa nang inaya ako kaagad ng nurse. Pero bago roon ay kailangan ding i-test ang blood type ko. Oh, no! Hindi ko naman tunay na daddy iyon! Kaya malamang hindi kami magkadugo! Napakagat-labi na lamang ako habang nakahiga na ako sa hospital bed at kasalukuyan nang kinukunan ng dugo. Oh, God... "Saglit lang po ito, ma'am." Halos maihi na ako sa kaba. Paano kung hindi nga kami magka-dugo? Paano na? Malalaman pa ng ginang na hindi niya ako anak! At totoo naman! "POSITIVE," sambit ng doctor at nakahinga ako nang maayos. "But there's something wrong with your blood test," he added. "What do you mean?" tanong ng ginang. "Compatible naman po ang anak niyo upang masalinan ang pasyente. The blood donor is healthy pero baka hindi niya kayanin ang mag-donate ng dugo lalo pa na may nakikita akong abnormalities sa dugo niya." What?! Ano na naman ang pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan. "Ano po 'yon?" nanghihinang tanong ko. "Wala ka bang sakit? Wala ka bang kahit ano'ng nararamdaman sa katawan mo? O hindi ka naghihirap minsan? Lalo na sa bandang part ng stomach mo?" Anak ng! Doctor nga talaga siya! "G-Gawin niyo na lamang po ang nararapat at okay lang naman po talaga ako," sambit ko at tumango na lang din siya. Binigyan ako ng hospital gown ng nurse at pinalitan ko na ang school uniform ko. Ngayon ay nakahiga na ako sa stretcher habang tulak-tulak ng mga nurse. Parang ako ang ooperahan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari sa daddy ni Cashren. Pero nasagot din ang katanungan ko. Nakita kong nakahiga ang isang lalaking nasa mid 50's na at ang daming pasa sa katawan kahit sa mismo sa ulo niya. Ang daming dugo ang nawala sa kanya kaya marahil kailangan talaga siyang salinan ng dugo. For seeing that man situation ay tila pinipiga ang puso ko. Hindi ko na naman alam sa sarili ko kung bakit naiiyak ako. Tinapat nila ang stretcher ko sa hospital bed ng pasyente at habang kinukuhanan na ako ng dugo at sinasalinan na sa lalaking nasa tabi ko lang na hindi naman masyadong malayo ay hindi ko na ramdam ang pagkirot sa palapulsuhan ko. Mas natatakot ako sa kalagayan ng pasyente. Hindi ko na sana tatanggalin ang mga mata ko sa lalaki pero unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko. And second later, binalot na ako kaagad ng kadiliman. Third person's POV Tumagal ng apat na oras ang operasyon bago ito natapos. Successful ang operasyon ng pasyente at stable na ang kalagayan nito ngunit kailangan pang obserbahan. Naiiyak na nagpasalamat ang ginang sa mga doctor at maya-maya lang din ay ililipat na ang mag-ama niya sa private room at iyon ang nadatnan ni Cervin. "Cervin, hijo." Niyakap ni Cervin ang mother-in-law niya habang ang mga mata niya ay hinahanap si Marshin. "Nasaan po ang asawa ko, mommy?" magalang na tanong niya rito. *** Pumasok na sila sa private room at nandoon na nga nakahiga sa hospital bed ang babaeng hinahanap niya. Mahimbing itong natutulog at humakbang siya palapit dito. Sa ibang kama naman lumapit ang ginang kung saan nakahiga ang asawa nito. Hinaplos niya ang malambot na pisngi nito bago niya binalingan ang mother-in-law niya. "Siya po ba ang naging blood donor ni dad?" tanong niya sa ginang. Lumapit ito sa kanya at umupo sa gilid ng kama ng anak nito. "Compatible ang dugo niya sa daddy niya," ani nito at hinawakan nang mahigpit ang kamay ng dalagang wala pa ring malay. "There's something with her..." mahinang bulong ng ginang at nagulat si Cervin pero hindi niya iyon pinahalata. "W-What do you mean by that, mom?" "Parang...parang napuna niya 'yong kulang sa akin. Parang...it's hard to explain pero iba ang nararamdaman ko sa anak ko." Kinabahan siya na baka mahalata nitong hindi nga ito ang tunay niyang asawa. Na ibang tao ito. "Parang ang tagal ko siyang hindi nakita at miss na miss ko na siya. 'Yong nararamdaman ko na may kulang ay biglang napunan. P-Parang kontento na ako," emotional nitong sabi at
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD