Chapter 13:Cervin's words
"KAILANGAN mo na munang magpahinga," ani Cervin at tinanguan ko na lamang siya.
Binigyan niya ako ng gamot pero hindi ko 'yon ininum. Ayoko kasi uminum lang ng kung anu-anong gamot na isa pa hindi ko rin alam kung may sakit ba talaga ako o wala.
Basta itong sakit na ito ay parang normal lang naman. Nananakit lang siya kung stress ako o kapag grabe na ang pagod ko.
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Binuhat pa ako ni Cervin, hindi naman na ako tumanggi lalo pa ang ang sakit-sakit talaga ng tiyan ko.
Mabuti na lamang ay hindi na gaano kasakit. Pero parang nanghihina na rin ang katawan ko.
"Kahit na parang normal lang 'yan sa 'yo ay magpapa-check up ka pa rin," mariing sambit niya.
Nakapikit ako pero kahit ganoon alam kong blangko ang expression ng mukha niya. Bahala siya. Basta ayokong magpa-check up. Normal na sakit lang ito.
"Dadalhin kita bukas sa hospital," dagdag pang sambit niya.
Pero paasa siya dahil kinabukasan ay nakalimutan niya rin naman.
Umalis siya nang maaga at nalaman kong naka-leave siya sa work niya. Hinahanap niya ang asawa niya.
Hindi ko alam kung bakit may kirot sa puso ko. Lalo pa na kasama talaga siya sa paghahanap sa asawa niya.
Hindi ko gusto ang ideyang iyon. Ngunit wala akong karapatan upang pagbawalan siya.
"Good morning, cousin dear," biglang bati sa akin ng magandang babae.
Nagulat pa ako nang madatnan ko siya sa living room ng mansion ni Cervin.
She looks familiar, maganda talaga at mestiza si ate girl. Parang Spanish girl siya lalo pa sa hair niya ay hindi pangkaraniwan.
Nakasuot siya ng formal attire na color gray. Mahaba ang hair niya at straight talaga. Naka-sunglass siya kaya hindi ko makita ang kulay ng mga mata niya.
Pero kahit nakatago ang mga mata siya sa sunglasses niya ay nakaka-intimidate pa rin siya.
Maganda siya, oo. Ang tangos nga ng ilong niya at mapula talaga ang mga labi niya dahil sa lipstick niya.
Kahit nakaupo pa siya ay alam kong katangkad siya. Sophisticated ang dating niya. Tila may dark aura siya.
Lumapit siya sa akin, then she remove her sunglasses. Oh, God!
She's the cousin! Xena Carter!
Grabe ang t***k ng puso ko na any moment ay lalabas na siya mula sa dibdib ko. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung paano ko na siya itrato. Basta ang alam ko sa information na binigay sa akin ni Cervin ay close na close ang dalawa.
Napahinga ako nang malalim at sinalubong ko ang mga mata niya. Shock! Ocean blue eyes si ate girl! Halatang may halong ibang lahi na hindi ko alam.
"Kailan ka nakabalik?" I asked her in a cold voice. Sa pagkakaalam ko ay from Italy siya.
"Just yesterday, dear," she answered at inaya na akong lumabas mula sa mansion namin. Oh? Ni Cerv pala.
"Hatid na kita," aniya. May ibang accent sa boses niya lalo na kung Tagalog.
"You know, dear. I'm married," sabi niya nang nasa loob na kami ng expensive car niya na color blue pa.
Base in her voice, she's happy pero may lungkot din.
"Then?"
"Sad to say, the love was not involved. Oh! One-sided love pala. I love my husband and it's just a civil wedding. He's a womanizer, he loves f-cking hundreds women!" aniya. Kahit kalmado lang ang boses niya ay nababahiran pa rin iyon ng galit.
"But it's okay, I still love him. Gawin niya kamo ang gusto niya basta sa akin siya uuwi," nakangising sabi niya.
"Oh?"
"We're here, let's talk again."
Ang bilis naman kasi niyang magmaneho! Bumaba na ako mula sa kotse niya at bago ko pa tuluyang maisara ito nang magsalita siya na dahilan nang pagbilis na naman ng t***k ng puso ko.
"By the way, I am Attorney Xena Carter plus Mojeh. Nice to meet you, Marshin V. Escalante."
H-How did she's know that I am Marshin?! My God!
Kahit natatakot ako sa mangyayari ay hindi ko na lamang pinansin at pumasok na ako sa klase ko. Naabutan ko roon si Art na alalang-alala sa akin dahil hindi raw ako pumasok kahapon.
Hihingi pa sana siya ng cellphone number ko pero wala naman ako no'n. First time kong makaramdam ng pag-aalala mula sa ibang tao. Maliban kay Gabril na kaibigan ko, dakilang kaibigan. Bakit dakila? Ayon kay Gabril, eh.
Normal na sana ang lahat kahit medyo loner ako. And who would have thought na umabot na ng dalawang tao ang pagpapanggap ko bilang proxy ni Cervin?
Hindi ko namalayan na taon na pala ang lumipas pero hindi na nahanap ni Cervin bebe ang asawa niya pero hindi siya sumuko.
Hinahanap pa rin niya si Cashren. Ginalugad na niya ang buong mundo pero hindi niya nahanap o nakita man lang ang hibla ng buhok ng babaeng iyon.
Pinagtataguan yata siya but who should have thought na tuluyan na akong nahulog sa kanya? Akala ko isang simpleng crush lang ito ngunit hindi.
Kasi sobrang lalim na pala. I fell in love and I regrets that. Curious po ba kayo kung ano naman ang trato sa akin ni Cervin bebe?
Stranger, we are not in good terms. Para nga akong hangin na hindi man lang niya nakikita. Balewala ako sa kanya. Nakakainis na nakakasakit ng damdamin.
Palaging Cashren ang nasa utak niya. Hinahanap-hanap ang hilaw niyang asawa.
At hindi ba nasabi ko na hindi ako aamin sa kanya? But I was wrong, guys.
Napaamin ako kasi ang sakit kung hindi ko ilabas, eh. Sobrang bigat na akala mo may bato sa dibdib ko.
But his words, nasaktan ako roon.
"Did I told you, that no strings attached? I love my wife and we both know the moment we find her, puwede ka nang umalis. Because in the first place? You're out of the pictures. You can't love me, Escalante and I never love you. Hindi mo mapapalitan ang asawa ko sa puso ko."