Enjoy reading! "Ihatid mo na lang ako sa condo ni Jayvier. Naroon ang kotse ko," simpleng sabi ko sa kanya habang nagba-byahe kami. "Hindi pa kita iuuwi," napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Ano? Saan mo na naman ako dadalhin?" Inis kong tanong. "Sa Mansion. Gusto ka raw makita ni mama." Napalaki ang mga mata ko sa sagot niya. "A-ano? Paano niya nalaman?" Takang tanong ko. "Sinabi ko sa kanya. At gusto ka niyang makita. Tatanggihan mo ba ang mama ko?" Tanong niya. Nahihiya akong makita siya. Dahil sa ginawa ko dati. Noong umalis ako. Parang ayaw kong humarap sa kanya. Pero siguro nga ito na yung araw para harapin ulit sila. Napabuntong hininga na lang ako. Pagdating namin sa Mansion ng mga Callanta ay parang ayaw ko ng bumaba sa sasakyan. Tiningnan lang ako ni Harley

