Enjoy reading! PAGKATAPOS namin bumili ng damit na isusuot ko ay agad na kaming bumalik sa condo niya. "Harley ayaw ko talagang pumunta sa Mansion niyo. Kaya pwede ba pauwiin mo na lang ako"pagmamakaawa ko sa kanya. Ilang ulit ko ng sinabi iyon pero sadyang hindi siya nakikinig sa akin. "Jane, huwag ka ng magsalita. Isuot mo na 'yan kung ayaw mong ma-late tayo"matigas niyang sabi. Tiningnan ko lang siya. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nang makita niyang hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ay tinitigan niya ako. Sinamaan niya ako nang tingin na para bang binabantaan ako. "Ayaw mo? Sige, dito na lang tayong dalawa. Walang pupunta sa Mansion"sabi niya at umupo sa kama. Habang ako ay nakatayo pa rin. May kinuha siya sa bulsa niya. Cellphone niya. Maya-maya ay meron siya

