Enjoy reading! HINDI pa ako tapos sa pag gamot nang sugat ko nang bigla akong nahilo. Napahawak ako sa lamesa at aksidente kong nasagi ang lalagyanan ng mga gamot kaya nahulog iyon sa sahig. Napatingin sa akin si Trixie na inaayos ang mga itlog. "Ma'am Jane okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong niya at lumapit sa 'kin. "Trixie pakikuha na lang ako nang tubig," nakayuko kong sabi. "Sige po ma'am saglit----ma'am Jane!" Sigaw ni Trixie ang huling narinig ko bago ako nawalan nang malay. NAGISING ako sa isang puting kwarto. Sa hospital. Nakita ko si Kc naka-upo sa sofa at si Harley na nasa gilid ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. "My god Jane. Mabuti at gising kana," nag-aalalang sabi ni Kc. Mukhang nahalata ni Kc na h

