Enjoy reading! LUMIPAS ang mga araw. Natapos ang birthday ni Harley na walang kahit na sino ang nakakaalam na ikakasal ako sa isang governor ng bayan ng San Miguel. At ngayon ay hinahanda na ang lahat para sa kasal namin. Hindi ako pumayag sa simbahan. Kahit gustong-gusto iyon ng lahat. Kaya sa huli ay sa judge kami ikakasal. At ito ako ngayon sa mansion ng mga Callanta. Dito kami pinatuloy ni madam Helena bago ang kasal namin ni Harley. "Ma'am Jane. Ako po ang mag aayos sa inyo ngayon," napatingin ako sa pinto nang pumasok doon ang isang medyo matanda ng babae. Tumango lang ako bilang sagot ko sa kanya. Agad siyang lumapit sa 'kin at inayusan ako. Isang white dress ang suot ko. Pagkatapos akong ayusan ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at

