PINANATILI nila Virginia na tikom ang kanilang mga bibig kahit nga ang itaas nila ang kanilang mga mukha upang tignan kami direkta sa aming mga mata ay hindi nila magawa. Nanatili akong nakatingin sa bawat isa sa kanila dahil kahit hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari ay may parte sa akin na nagsasabing hindi sila Virginia ang may kagagawan nitong lahat, naniniwala akong hindi nila ako kayang ilagay sa kapahamakan o saktan man lamang, kilala ko sila, alam kung mabubuti silang mga bampira. May parte rin naman sa kin na pinagduduhan sila lalo na at alam ni Minerva ang nilalaman ng sulat na wala naman akong ibang sinabihan. “Wala namang nag-utos sa inyo, ‘di ba?” singgit ko habang nanatiling nakatingin sa kanilang lima na tuwid na nakatayo ngayon sa harapan nina

