IKA-PITONG KABANATA

2277 Words
           NAALIMPUNGATAN akong madilim na sa labas. Sunod kong nakita ang lima na nagkakasayahan habang naglalaro pa ng sungka sa may mesa na aming kinakainan ni Virginia. Hindi pa pala sila nakauwi mula kanina.             “Ang daya n’yo talaga! Bakit kasi hindi ako kasing talino ni Sanura! Lagi na lang namumula ang aking noo sa kakapitik ninyo!” parang batang reklamo ni Minerva bago siya isa-isang pinitik sa noo ng kan’yang mga kaibigan. Nagtatawanan sila. Ngunit mukhang kailangan ko iyong putulin kahit sandali.             “Virginia, Sanura, Karmila, Minerva, at Natalia, maari ko ba kayong makausap?” untag ko. Hindi naman na nila hinintay ang aking pagpapaliwanag dahil kusa silang lumapit sa aking kinaroroonan.             “Tungkol po saan, binibini?” malumanay na tanong ni Karmila.             “Maari n’yo bang ipaliwanag sa akin ang buong pangyayari? Paano ninyo nalaman na ibenenta ako ng aking tiyahin kay Constantino Enrile?” panimula ko.             Oo, masakit. Nanlambot nga ako nang marinig ko iyon. Alam kong hindi ako lubos na naiibigan ng aking tiyahin ngunit hindi ko rin inasahan na may ikakasama pa pala siya. Paano n’ya naaatim na ipagpalit ako sa salapi, hindi n’ya ba naabot ng isip na kami ay may iisang dugo?             “Ang totoo n’yan, binibini. May taglay akong kapangyarihan na makakita ng hinaharap ng kong sino mang nilalang. Nangyari ito kahapon bago ka namin sinundo mula sa inyong bahay. Nakita ko ang naging pag-uusap ng iyong tiyahin at ng lalaking si Constantino na kasama ang kan’yang inang si Ginang Enrile nasa isa silang kapehan sa inyong lugar. Nabanggit nila na kayo ay may utang sa pamilyang Enrile at pinagnanasaan ka ng lalaking anak ng pamilyang iyon. Kapalit ng salapi at kabayo ay sumang-ayon ang iyong tiyahin sa plano. Aabusuhan ka ni Constantino kapalit ng salapi at ari-arian,” wika ni Natalia.            Masakit pa rin pala talagang marinig ng paulit-ulit ang katotohanan.            Habang nakikipaglaro sa hangin ang aking buhok na lagpas na sa aking balikat ang haba ay unti-unting tumulo ang butil ng aking luha mula sa aking mata na hilam pa buhat ng aking pagtangis bago ako nakatulog kanina.             “Ma-mabuti naman at nakalabas kayo mula rito’t nakaluwas tungo sa aming tahanan kaninang umaga?” garalgal kong turan. Panay ang pagdaloy ng aking mga luha ngunit tinatatagan ko ang aking loob upang makapagsalita nang tuwid.             “Dahil po iyon sa tulong ni Uno,” sagot sa akin ni Karmila.             “Laking pasalamat po namin na hindi nagdalawang isip ang Panginoong Uno para kami ay bigyan ng permiso upang makalabas ng unibersidad at mailigtas ka,” dugtong naman ni Sanura.             Matapos naming mag-usap-usap na lima napagdesisyunan naming tunguhin ang tanggapan ni Uno upang humingi ng kan’yang pahintulot para kami ay ligtas na makaalis at makabalik dito sa unibersidad.             “Magandang umaga po, Panginoong Uno,” sabay-sabay naming bati n’ong tuluyan na kaming makapasok sa kan’yang tanggapan.             “Anong kailangan ninyo, Sanura?” agad na sagot ni Uno habang ang mga mata’y hindi iniiwan ang kan’yang binabasang diyaryo.             “Nais po sana naming makaalis at makabalik ng unibersidad,” agad na bulalas ni Virginia. Nagulat pa nga kaming lahat dahil hindi man lamang siya nagpasabi na agad n’ya iyong sasabihin. Hindi man lang siya nagpasakalye upang mas pahintulutan kami ngunit tama naman siya dahil wala na kaming maraming oras na magpaligoy-ligoy pa.             “Hindi maari, alam n’yo namang pinagbabawal ‘yan ng unibersidad, hindi ba?” agad na bawi ni Uno. Agad nagbasakan ang aming mga balikat sa naging tugon n’yang iyon.             “Makakaalis na kayo, magpapanggap akong wala akong narinig na ganitong pahayag mula sa inyo,” pahabol pa ng Panginoong Uno. Tatalikod na sana kami noon at mag-uumpisang maglakad ng biglang bumulong si Virginia.             “Sana mapatawad tayo ni Binibining Pilipina Amador balang araw,” aniya.             Walang umimik sa aming apat dahil wala naman kaming magagawa dahil ‘di hamak na simpleng mamayan lamang kami na kailangan sumunod sa batas at sa mga kataas-taasan.            Ngunit nagulat kami at nagpapasalamat sa Bathala ng si Uno na mismo ang nagtanong.             “Pilipina Amador? Paano n’yo siya kilala, mga binibini?” tanong nito. Kaya mula sa pagkakatalikod sa kan’ya ay agad kaming pumaharap kay Uno.             “Nakita ko po kasi ang kan’yang magiging kapalaran sa hinaharap,” panimula ni Natalia.             “Anong kapalaran? Ano ang kan’yang hinaharap na iyong nakita?” saad ng Uno.             “May masama pong balak sa kan’ya ang kan’yang tiyahin at ang anak ng kinauutangan nila. Dangal kabayaran ng salapi,” pagkasabi na pagkasabi n’on ni Natalia ay agad na nagsiliparan ang mga gamit sa tanggapan ni Uno. Galit na galit itong humarap sa amin.             “Kunin n’yo siya at dalhin dito. Ako na ang bahalang magbayad ng kanilang utang. Nais kong ligtas n’yong dadalhin dito ang aking mahal,” aniya.             Pagsasalaysay ni Minerva sa aming lahat.             “Doon namin natuklasan na ikaw pala ang babaeng nauugong sa buong unibersidad na iniibig ni Uno. Hindi naman namin akalain na ikaw pala ‘yon, binibini,” dugtong ni Natalia.             “Ngunit hindi ko talaga siya matandaan, hindi ko talaga maisip kung saan kami nagkatagpo o kung ano man,” pagpapaliwanag ko pa.            Tumahimik silang lahat. Napuno kami ng katahimikan ng ilang mga minuto, mabuti na lamang at binasag iyon ni Minerva.             “Pinalabas ni Uno na isa ka sa nabiyayaan ng programa ng unibersidad, ang programa ng unibersidad na magpapaaral ng mga mortal na may angking talino at kasipagan ng libre. Ngunit kailangan mo rin iyong pagtrabahuhan, binibini. Huwag kang mag-alala! Hindi ka namin papabayaan,” aniya.             “Anong trabaho?” tanong ko naman.            Wala kasi talaga akong kaide-ideya sa lahat ng mga nangyayari. Nabigla na nga lang ako n’ong bigla silang nagsulputan sa aking harapan kaninang umaga.             “Ang alam ko ay magiging katulong ka ng aming maestra sa silid aklatan ng unibersidad na ito. Ikaw ang maglilinis at magpapanatili ng kaayusan ng mga libro roon,” sagot ni Karmila. Madali lang naman pala eh!             “Madali lang naman pala, kayang-kaya ko ‘yan. Hindi n’yo man alam ngunit ako ay nagtratrabaho rin bilang taga-hugas sa karinderya sa min upang makadagdag sa aming kinikita. Bukas na ba ako mag-uumpisa?” ani ko.             “Opo, binibini. Sasamahan na lamang kita bukas upang hindi ka maligaw,” presinta ni Virginia.             “Maraming salamat ngunit paano ang aking inay? Baka siya naman ang pagtangkaan ng aking tiyahin at ng pamilyang Enrile?” pag-aalala ko.            “Huwag kang mag-alala, binibini. Iniisip mo pa lamang ‘yan ay nasulosyunan na agad ni Panginoong Uno. Kaya tulad nga ng sabi ko sa ‘yo. Magpasalamat ka na lamang sa Panginoong Uno,” si Sanura ang sumagot sa akin.            “Talaga bang masungit ka, Sanura?” kasuwal kong tanong na nagpatawa sa kanilang lahat.            “Ayan! Hinay-hinay lang kasi sa pagiging seryoso, Sanura!” si Minerva.            “Oo nga! Lagi ka kasing parang sinukluban ng langit at lupa, ‘yan tuloy,” ani naman ni Natalia.            “Matutunan mo rin kasi dapat na kumalma, Sanura. Hindi ‘yan masungit, binibini,” sagot sa kin ni Virginia.            “Mukhang masungit lang po, ngunit mabait ‘yang si Sanura. Para na nga siya naming nakakatandang kapatid, eh,” anang ni Karmila.            “Hahahaha! Gano’n ba! Pansensiya ka na sa kalapastanganan ng aking bibig, Sanura. Ako ay nadala lamang,” pagsasatinig ko pa.            “Mas mabuting nakatawa ka kaysa sa nakabusangot, lumalabas ang angkin mong ganda, binibini,” isang tinig na bumulahaw sa kulob naming silid.            “Sino ‘yon? May lalaki ba tayong kasama?” agad kong tanong. Biglang sumupok ang kaba sa aking dibdib.            “Huwag kang mag-alala, aking binibini. Hanggat nandirito ako, sinusumpa ko, hindi ko hahayaang mapahamak ka.” Si Uno!            Hindi ko alam o sadyang mabilis lamang ang mga nangyayari ngunit sobra na ito, kintal ng aking isip.            Ngunit hindi naman siguro masama. Hindi naman masamang makaramdam ng naglulundagang mga daga sa aking dibdib sa tuwing naririnig ko ang kan’yang tinig o ‘di naman kaya ay tinatawag n’ya akong ‘aking mahal’.            Kinabukasan — Maaga akong gumising upang makapaghanda, dito na lang din natulog sina Sanura, Minerva, Karmila, at Natalia kaya minabuti kong magluto ng mga pagkaing meron sa kanilang tapayan.            Pagbukas ko ng katamtamang laki ng isang garapon ay sumalubong sa akin ang malaking parte ng baboy at ito ay pinalilibutan ng malambot na tela’t may nakalagay na asin upang ito ay mapreserba nang mabuti.            “Ayos na ito,” anunsiyo ko. Agad ko iyong ma-ingat na hiniwa at sinunod ko ang mga kasangkapang aking gagamitin.             Nililibang ko na lamang ang aking sarili sa pamamagitan nang paghimig hanggang sa maihain ko ang aking nagawa. Inihaw ko lamang ang parte ng baboy atsaka ako gumawa ng masarap na sawsawan.             “Kain na kayo!” bungad ko ng isa-isa na silang nagsipasukan sa kusina.            “Naku po! Bakit ka po nagluto, binibini? Hinayaan mo na lamang po sana iyan sa min!” gulat na gulat na ani ni Virginia.            “Isipin n’yo na lamang na pasasalamat ko ito. Maraming salamat kasi nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan sa inyong katauhan,” aniya kong nagpangiti naman sa kanilang lahat.            Habang tinitignan ko silang lima na masayang nagkukulitan habang kumakain ay may napagtanto ako sa aking sarili.            Mukhang ang kailangan ko na lamang gawin ay tatagan ang aking puso at tahakin ang bako-bakong tadhana na meron ako ngayon.            “Binibini, ang sarap po! Kumain din po kayo ng marami! Mapagalitan pa kami ng Uno kapag ikaw ay aming pinabayaan, ehhhh!” sambit ni Minerva.            “Ano ba! Hahaha,” masaya kong daing sa kanila.             Ako si Pilipina Amador, may kaba mang kumakantog sa aking sikmuran ngunit tatahakin ko ang landas na hindi pa natatahak ng karamihan.            “Ano ang nais mo, binibini, daanan muna ba natin ang silid aklatan bago tayo tumungo sa ating silid aralan?” tanong ni Virginia n’ong kami ay palabas na mula sa aming silid pahingahan.            “Sige, maari,” ani ko.            Napangiti ako nang nagsimula nang tumila ang malakas na ulan buhat pa kaninang umagahan. Tila ba hinawa ng hanging amihan ang mangilan-ngilang abuhing ulap na kanina ay nasa kalawakan lamang at hinayaan na mabigyang daan ang pag-ahon ng haring araw buhat sa Silangan.            Habang kami ay pababa sa iilang hakbang ng hagdan mula sa aming silid ay natutunghayan ko kung gaano kasariwa ang lahat ng bagay sa paligid. Lahat ay animo’y nabuhay at naging masigla matapos mabinyagan ng ulan. Kahit ang simoy ng hangin na nanunuot sa aking katawan ay tamang-tama lamang upang panatilihing presko ang aking pakiramdam.            “Nilalamig po ba kayo, binibini? Nais n’yo po bang kunin ko ang balabal kong nasa loob ng aparador?” atubiling tanong ni Virginia.            “Huwag na. Ako ay ayos lamang, Virginia. Tayo na at humayo baka tayo pa’y mahuli sa ating klase,” anang ko.            “Sige, kung iyan ang iyong nais, binibini,” ngumiti ako bilang tugon.            Nag-umpisa na nga kaming tahakin ang panibagong daan sa kanan, mukhang dito ang kanilang silid aklatan. Habang binabaybay namin ang daan na puno ng iba’t ibang halaman ay napapansin ko kung paano na lamang kami iwasan ng mga nakakasalubong namin. Kung hindi man sila tumitigil sa paglalakad upang kami ay paunahin meron namang umiiba na lamang ng daraanan. Meron din kaninang humahawi pa sa aming daanan upang bigyang lugar ang aming lalakaran.            Anong nangyayari?            “Ah? Virginia? Bakit parang iniiwasan tayo ng mga estudyante?” hindi ko mapigilang magtanong.            “Po? Hindi ko rin alam ngunit panigurado kagagawan po ito ni Uno, lakas po yata ng manliligaw ninyo!”        Manliligaw? Manliligaw ko ba ‘yon?            Hindi ko nga siya nakikita o kilala eh!            Natigil kami sa paglalakad ni Virginia nang mapansin naming may dalawang lalaki ang papunta rin sa aming direksiyon. Pareho silang may angkin kagandahan ng mukha. Ang isa ay mahaba pa ang buhok ngunit bumagay naman sa tabas ng kan’yang mukha. Ang isa naman ay malinis kong tignan, maaninag mo talaga ang ganda ng kan’yang mata, ilong pati na rin ng kan’yang labi.            “Si Dos at Tres! Tabi!” anunsiyo na naman ng isang estudyante kaya pati kaming dalawa ni Virginia ay tumabi upang padaanin sila ngunit kusa silang tumigil sa harapan naming dalawa.            “Pilipina Amador, hindi ba?” tanong n’ong lalaking may mahabang buhok.            “A-ako nga po,” alinlangan kong sagot.            “Ah, oo, siya nga,” paniniyak naman ng isa.            “Ha? Bakit ano pong meron?” pakikisali na ni Virginia.            “Wala naman, nais lamang naming makita ang babaeng nagpatibok sa puso ng aking pinsan. Magandang araw, Ina,” panunukso n’ya.            “Po?” takha kong sagot.            “Oh, siya! Lahat kayo humawi! Walang mag-aabang sa daraanan ni Pilipina kung ayaw n’yong makatikim ng bagsik namin,” anunsiyo nito sa buong lugar.            “Teka? Saan ba kayo patutungo?” usisa n’ong isa pang lalaki. Sino si Dos at sino si Tres?            “Sa silid aklatan po, Panginoon Tres,” saad ni Virginia. Ah! Ito palang may malinis na mukha si Tres.            “Gan’on ba, sige mauuna na kami,” pagpaalam ni Dos. Yumuko sila ng kunti sa aking harapan kaya gan’on din ang aking ginawa.            “Hoy! Tabi! Dadaan ang reyna ng unibersidad!” pahabol pa ni Tres n’ong mapansin n’yang may mga estudyanteng nagtangkang salubungin kami.            “Sa tanang buhay ko, binibini. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong prebilihiyo,” humahagikhik na saad ni Virginia.            Hindi ko yata gusto ‘tong nangyayari sa kin. Mukhang nagkamali yata ako nang tinahak ko ang daan na ito?   Uno’s POV               “Hoy! Tabi! Dadaan ang reyna ng unibersidad!” sigaw ni Tres na rinig mula sa aking kinatatayuan.             “Tama, padaain n’yo, ang aking reyna,” nakangiti kong banggit bago muling humalubilo sa hangin at mawala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD