Virginia’s POV “ANG dami mo talagang alam, Minerva! Kahit ubusin mo pa ang salapi na meron ka hindi ka pa rin makakakita ng katulad ni Uno! Nag-iisa lang ‘yon kaya huwag ka ng umasa. Atsaka sigurado akong may itinakda naman ang tadhana para sa ‘yo kung wala, eh ‘di samama ka na lamang sa mga kagagalang-galang na mga madre ng simbahan,” sagot ko naman na ikinalisik ng mga mata n’ya. Tinaasan n’ya ako ng kilay bago n’ya marahas na kinain ang hawak-hawakn n’yang pahabang monay. “Maghunos dili ka naman, Minerva! Hindi ba naawa sa tinapay na ‘yan? Dinudurog mo na! Hindi naman ‘yan ang kaaway mo,” sita sa kan’ya ni Binibining Ina kaya muli kaming nagtawanan. “Binibini naman kasi! Pagalitan mo nga ‘yang si Virginia! Nang-aasar na naman, ako na naman ang k

