CHACE POV
Hmmm.. So Bryce pala pangalan niya.
Hindi ko pa rin akalaing magugustuhan ko siya sa isang tinginan lang.
Lalaki pa siya, lalaki din ako.
I have an homosexual desire?! NO! NO! NO!
Siguro dahil lang sa ang cute cute niya kaya ganun. Tapos may bright aura pa. Sigurado akong mas pipiliin niya ang babae kaysa sa lalaki.
Pero kahit ganoon, parang gusto ko pa siya kilalanin.
***MONDAY
Ayan na! Pasok nanaman, sa kasalukuyan ay naninirahan ako sa isang bulok na apartment. Ayoko na kasi manirahan kasama yung nanay at tatay ko. Sabi nila, gusto daw nila ng space. Kaya yan! Sa murang renta dito, nakakayanan ko namang bayaran ng isang buwan. May dalawa akong kapatid, lahat kami lalaki.
Parang let's pass the Gueverra last name o kaya naman...
PARAMIHIN ANG LAHI!!!!
Sa totoo lang, gwapo at maganda yung magulang ko, kaya yeah! Nagpapasalamat ako sa kanila dahil hindi ko na kailangan ng pulbo. Yun nga lang, sadyang mapait ang tadhana.
Mayaman kasi itong papa ko. Ito namang si mama, mahirap lang. Pero nagka inlababo silang dalawa kaya ayown! Si papa iniwan yung kayamanan nila para lang kay mama. At ngayon, nagtitinda nalang sila. Hay, mabuti nalang talaga pinanganak akong pogi.
Yung dalawang kapatid ko naman, yung isa 15 years old na, malapit na mag college. Tapos yung isa 13, pangalawang taon niya na sa highschool.
Gwapo itong bunso namen. Yung pangalawa naman, baby face. Siya nga lang naiiba sa amin. Yung ang sarap pisilin ng pisngi.
Osiya papasok na ko. May mission ako ngayon na gagawin.
***
"Chace!! Diba wala kang girlfriend ngayon? ako nalang!!"
"Wag mo kamo yang pipiliin! Si peklat girl yan! Ako nalang, kasi makinis itong kutis ko!! Wala pang kabahid-bahid ng dumi!"
"Anong sabi mo?!"
"Totoo naman diba? May peklat ka! Andamii!!"
"Ikaw nga, ang itim ng kilikili mo eh!!"
"Whaaa?!! You b***h!"
"You freak!!"
Hala nag-aaway nanaman sila.
"Uhm, sorry girls pero time out muna ako diyan." nag T-shape ako sa kamay ko.
Tapos umalis na.
Nasaan ba yung apat na gago? Hindi ko sila makita. Sa'n ba nagsususuot yung mga mokong na yun?
Lumingon-lingon ako sa paligid. Mabuti nalang maaga ako pumasok. 1 hour pa bago mag-klase.
Nakita ko si Ken doon sa likod ng pader mukhang may kinakausap.
ABA! Nangiti pa. Anong nginingiti-ngiti ng gagong to?
Lumapit ako kung nasaan siya.
Sasabihin ko na sana yung pangalan niya, nang makita kong..
Kinakausap ng apat si Bryce!
A-Anong ginagawa nila? Baka mamaya sinabi nilang gusto ko si Bryce?! No way! No way! Ibabaon ko muna sarili ko sa lupaa!
"Oh? Chace? Anong ginagawa mo diyan—nagtatago sa pader?" tumingin ako tapos nakita ko si Kylan.
Hinugot ko yung kwelyo ng polo niya tapos..
"Tol?! Bakit kasama niyo yun?" tanong ko.
Ngumisi yung gago. "Sinabi namin na may gusto ka sakanya." Aba! Loko to!
"H-Hindi nga?!" ang sabi ko, kinakabahan ako! Gago kasi! Ba't ko pa sinabi sa apat na to?!
"Joke lang! Nakikipag-kaibigan lang kami!" gago talaga! Halos himatayin na ako dito sa nerbyos. Phew!
"Tinutulungan ka namin para makuha mo ang puso niya." si Kylan, sabay ngiti na nakalabas ang ngipin.
"Tumigil nga kayo! Halata namang walang gusto yan sa mga lalaki!" Ang sabi ko sa mahinang boses.
"OO! HINDI KO TYPE ANG MGA LALAKI! GUSTO KO NG MAY MALAKING DIBDIB AT HALATA NAMANG BABAE LANG ANG MERON NON HINDI BA?!"
BOOM! Biglang nahati sa dalwa, tatlo, apat, sampu, o milyon ang puso ko, nang marinig ko iyon sa kabilang pader.
Depress nanaman ako. Sabi ko na nga ba! Hindi niya talaga type ang lalaki.
"Okay lang yan pare.." ang sabi ni Kylan habang tinatapik ang balikat ko. -.-
Dahil sa sobrang pagiging depress sa narinig ko, umalis nalang ako at hindi ko na pinakinggan yung mga pinag-uusapan nila.
Bumuntong hininga ako.
Ang buhay talaga.. Parang life.
Okay lang yun. Marami naman akong babae. Marami pa diyan. Babae marami ako. Hindi ako mauubusan ng babae. Babae sexy, tapos may dibdib. Lalaki wala. Marami akong babae. Marami!
TANGINAAAA! HINDI TO TAMA! NAKITA KO LANG ULIT YUNG MUKHA NIYA KANINA, HALOS MAGTATATALON NA AKO SA TUWA! PARE! TOL! DRE! HINDI KO NA ALAM GAGAWIN KO.
KANINA, PARANG GUSTO KO SIYA KAUSAPIN, TAPOS HAWAKAN YUNG KAMAY NIYA, ARRRRGGHHH!!! THE HELL IS HAPPENING TO ME?! I KNOW I'M ALREADY REJECTED, BUT WHY...
WHY DO I KEEP LONGING FOR HIM?
Oo alam kong corny pero pagbigyan nyo na ko!
Ngunit.. Hindi iyon ang dahilan para sumuko ako..
Balang araw.. mapapasakamay ko rin ang kapalaran niya.
May kapalaran nga ba siya sakin?
Basta! Hindi ako susuko! Kasi lalaki ako. Lol.
I guess..
This is what you call attraction, na later on madedevelop din sa love.
Tagal ko na ring hindi naka-experience ng ganito.
"Pare.. ayos ka lang? Kanina, depressed ka tapos ngayon, pangiti-ngiti ka diyan eh halatang basted ka.. may teleleng ka ba pare?" Hayop tong lalaking to.
"Sapakin kaya kita? Para malaman mo?" sabi ko kay Kylan,
"May pinaplano kang masama noh?" wow! Alam niya.. as expected sa pangalawang ako.
Nag smirk nalang ako.
"WOW! You're a real devil."
"Ginaya mo na rin si Kash, expression niya yan."
"Ay! Nga pala." sabi niya sabay tawa.
So, wanna know my plan?
This is my first step: Talk! And be friends!
That's all for today XD
Basta ngayon, ang plano ko muna ay ang kausapin siya at kaibiganin. Siguro naman, gugustuhin niya ring may maging kaibigan diba?
***
Uwian nanaman..
Ka-boringan talaga sa klase, bakit kasi BSBA pa kinuha kong course?
Nakita ko agad sina Kylan at yung tatlo doon nag-aabang sa exit. Tumakbo ako papalapit sa kanila, tapos sa dami ng tao hindi ko alam na may tatawid pala sa harapan ko.
Bam! Nagka-bungguan kami. Muntikan na ako mapatumba sa sahig dahil sa lakas.
"Sorry! Sorry!" ang sabi ko with matching bow pa.
Awts.. nahulog niya yung mga papel na dala niya.
Pinulot ko yung mga papel at yung mga iba pang nahulog. Ang sipag naman nito mag-aral andaming dala. Eh ako nga maliit lang yung bag ko tapos wala pang laman.
Nang iangat ko ang ulo ko..
Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang "siya" pala ang nakabungguan ko.
Kaya.. What a coincidence! Is this fate?!
Talagang pinagtatagpo kami ng tadhana.
Natulala lang ako at pinagmasdan siya.
Minsan lang to mga dre!
===