Pinako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makalapit, hindi ako makagalaw, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. "T-TEKA? Hindi ko alam ang sinasabi mo..." sabi ko sakanya. "...SIGURO NGA HINDI MO ALAM, DAHIL SA DAMI NG MGA BABAE MO... ALAM KO NA, NA IKAW YUNG PINAGPALIT NIYA SAKIN, SIMULA PALANG NUNG UNA..." Hindi siya tumitigil sa pag-iyak. "...SIMULA PALANG NUNG UNA TAYONG NAGKAUSAP..." Sabi niya sabay punas ng luha niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pinaparusahan na ata ako, dahil sa pagiging babaero ko. Napatungo ako, dahil sa kahihiyan ko. Sinabi niya sa akin ang lahat nang tungkol sa ex niya, ang pagpapalit ng ex niya sakanya para lang sa ibang lalaki, at ako pala yung lalaking yun. Nakakahiya ako. Nagawa ko pang sabihin sakanyang gusto ko siya maging kaibig

