CHACE POV
Matapos magkaroon ng libo-libong girlfriend, sa kasalukuyan eh wala muna akong dini-date ngayon. Nakakasawa rin palang makipag mingle.
Ilang babae na rin kasi ang napasaya at napaiyak ko.
Kwentong barbero ko lang sainyo,
First time kong magka-girlfriend nung Grade 4 ako. Landi ko ano? At seatmate ko pa, madalas ko yun inaasar tapos maya-maya, inamin niya nalang sa aking gusto niya ko. WOW! Sa una, hindi ko alam sasabihin ko, pero tinanggap ko yung feelings niya tapos naging kami. Tapos nalaman nung tatay niya at tinapon yung cellphone niya sa kanal tapos pinalipat ng ibang school. Ayun! naiwan ako mag-isa. Pero sa totoo lang, wala naman akong paki sakanya.
Yung first kiss ko naman, nung Grade 5 ako at ang nakakagulat pa doon, sa isa pang estranghera! Kasi ganito yan..
Nasa Canteen ako tapos bumibili ako ng softdrinks, eh andami-daming nakapila, as in siksikan kami sa canteen at mag-amoy digmaan na (pero syempre bench pabango ko). Mabuti nalang nakabili na ako nun, kailangan ko nalang umalis sa canteen na puno ng tao. Tapos nung lumingon ako sa kaliwa ko, tamang-tama! Nandyan yung Grade 6 na first honor ng first section! Sakto pa talaga distansya namin sa isa't isa! Ayan! tinulak ako nung nasa kanan ko at BOOM! Nag-kiss kame!
Pero wala akong naramdaman nung dumikit yung labi namin sa isa't-isa, iniwan ko nga lang siya sa canteen na halos kasing kulay na ng kamatis yung mukha niya.
And then, 1st year ako nung mawala yung hail mary full of grace ko. Naalala ko pa! Ang sanhi noon ay iyong pang 19th girlfriend ko! Actually, wala pa nga kaming months nun, pero ang libog niya. Gusto niya talagang gawin yun. Kaya naman, nung pumunta ako doon sa bahay nila nung wala parents niya. Doon nangyari ang kababalaghan.
Wala din naman akong naramdamang "kakaiba" nung ginawa namin yun eh, chill na chill pa nga ako. Parang siya lang ata yung nakaramdam, siya lagi nag-iinitiate e. Ang wild pa. Lol
Pero ang mas nakakatuwa, nung makilala ko yung apat na mokong na tinuturing ko nang partner-in-crimes ko.
Numero uno, si Kylan. Siya yung second na "ako", marami na rin kasi siyang naging girlfriend pero, minamahal niya mga gf niya. Hindi tulad ko. Isa yang gangster o tambay sa kanto. Mahilig makipag away kung kani-kanino. Basta pag ininis mo, ihanda mo na St. Peter mo!
Dos, si Kash. Ang young master sa bahay nila. Yung tipong nasa forbes magazine din yung lolo niya na kakamatay lang last year, siya yung taong maraming bodyguards na nasa likuran niya at sinusundo ng isang limousine. Pero para siyang bird in a cage, ni-rescue nga namin siya nung kinulong siya ng step dad niya sa bahay nila at hindi pinapasok ng isang linngo, heto naman kami, parang Wonder Pets, sinugod namin yung mansion nila tapos ayun. Para tuloy kaming kidnapper. Pero ngayon maayos na ang lahat. Dahil may sarili na siyang apartment at hindi na naninirahan doon sa mansion nila. Binibigyan nalang siya ng pera ng mama niya buwan-buwan. Bukod pa roon, siya yung cold-hearted type, ayaw niya sa babae. Tapos hindi gaanong nagsasalita pero maaasahan.
Pang tres si Claud. Eto naman yung ultimate batugan sa aming lahat! Tamaring bata ito, noong bata pa yan tamad na, hanggang paglaki tamad pa rin! Kina-career ang pagiging tamad. Pero, masipag siya pagdating sa pag-aaral. Wala na rin ngang time para makipag girlfriend yan. Basta! Kahit tamad yan, masipag pa rin.
And lastly...
Si Ken! Itong gagong to! Ang sarap burahin sa mundo pag siya na pinag-uusapan! Nako! Putek nawawalan tuloy ako ng ganang mag-kwento! Ayy basta! Ang sarap prituhin ng chicken na to! Kahit na yan ang comedian namin, nakaka high-blood pa rin! Buti nga palaging basted. Tapos makikita nalang naming nag-mumukmok kung saan-saan.
Ang hirap paniwalaan na kahit iba-ibang personalidad meron kami, nagkakasundo pa rin.
Tumingin lang ako sa labas ng bintana.. ang boring kasi mag-discuss ni Prof.
"Mr. Gueverra! Where are you looking? Nandyaan ba ako?" Oops. Kung sinswerte nga naman ang kuya nyo.
Dahan-dahan kong nilingon si Proffesor na panot.
Nag-iisip ng maidadahilan, "Uhmm, may ibon po kasi akong nakitang lumilipad kamukha ni flappy bird." Ngumiwi ako.
Halatang nagsitawanan yung mga kapwa ko sa room. Lalo na yung mga babae.
Habang ang background ko naman ay nag ii-spark.
"Shut up!" Tumahimik mga kapwa ko. Halatang lumabas na yung malaking ugat sa noo ni prof.
"As your punishment Mr. Gueverra, answer #3. On the board!" ang utos sa akin ng panot.
Tinignan ko yung nasa blackboard. Tapos ngumisi.
Kahit grade one masasagutan to.
***
"Woah! Pare! Dumami nanaman yang love letter na narereceive mo! x10! Ngayung araw!" Manghang sabi ni Kylan.
"Share naman dyan!!" Ang pangangasar ni Ken.
Ngumiti ako, kasi wala naman akong balak basahin yung mga letter na yun.
"Alam na kasi nilang wala kang gf ngayon. Tignan mo naman yung mga babaeng nag-aabang sa exit ng school." ang sabi ni Kash sa tonong naiinis. Ayaw niya kasi talaga sa mga babae pwera sa nanay niya.
"Ayaw mo nun?" tanong ni Kylan.
"Si Claud?" tanong ko naman, napansin kong wala siya dito.
"Kinausap ni Prof. Natutulog kasi habang nagka-klase." sagot ni Ken.
"Sige, mauna nalang tayo umalis. Sendan mo siya ng text Ken." utos ko.
"Aba! Hayup na yan inuutusan mo ba ko?" ang balik niyang sabi.
Tumawa nalang ako. Tapos naglakad na kami papunta sa exit. Kahit na maraming babaeng nag-aabang.
Ngumiti lang ako sa mga ito pagkatapos tuloy-tuloy nang umalis. Halata namang nalungkot sila nang hindi ko sila kausapin.
Sa ngayon, break time muna ako sa mga ganyan.
"Wow! Hindi niya pinansin!" tumatawang pangangasar ni Ken habang nasayaw-sayaw pa.
Nilingon ko siya sa likod ko at tinignan ko ng masama.
"Manahimik ka dyan chupols!" sabi ko tapos tumingin na sa harapan ko.
Humangin ng malakas at nagsiliparan ang mga dahon sa paligid.
My heart skipped a beat when I saw..
An angel in front of me.
===