Chapter 14

1748 Words
‘The greatest glory in living lies not in never falling, but in rising every time we fall.’ – Nelson Mandela -Scarlett’s POV- Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina sa klase. Sobrang nakakahiya. Bakit ba naman kasi nakalimutan kong i-silent ‘tong cellphone ko kanina, ayan tuloy napalabas ako. Sana lang ay hindi ako magkaro’n ng bad record kung hindi ay baka maapektuhan ang scholarship ko. Kakausapin ko na lang si Miss mamaya pagkatapos ng lahat ng klase ko. Sana lang ay hindi talaga maging bad record ‘yong nangyari kanina, sobrang higpit pa naman niya kaya kinakabahan ako. Sino ba naman kasi ‘tong nag-text na ‘to. No’ng mapansin ko ‘yong notification ng message ay hindi naman galing sa network provider ‘yong message. Wala namang ibang nakakaalam ng number ko bukod sa mga ka-trabaho ko, kay Abigail at Karla. Sila lang naman. Wala rin naman akong natatandaan na pinagbigyan ko nito. At para masagot ang tanong ko ay kaagad kogn tinignan kung kanino galing ‘yong text. Hindi naka-register ‘yong number sa contacts ko so ibig sabihin ay hindi ko kakilala, pero paano naman niya nalaman ang number ko? Kaagad kong tinignan ‘yong text message dahil hindi mabasa sa notification bar, masyadong mahaba ata ‘yong message. “Babe, please reply to me, we really need to talk—“ Hindi ko na natapos ‘yong binabasa ko dahil may biglang umagaw ng cellphone ko kaya naman agad akong napapitlag dahil sa gulat. Kinabahan ako, akala ko may nakapasok ng magnanakaw dito sa university, si Abigal lang pala. “Babe?!” maarteng wika niya ng mabasa ang text message. “I love you and I missed you. Please talk to me.” “Ano ka ba, bakit ka nanggugulat. Akala ko magnanakaw.” “Hep hep! Scarlett Avery Carter, ‘wag mong ibahin ang usapan. At sino ‘tong babe na ‘to?” at in-emphasize niya pa ‘yong ‘babe’. “Hindi ko kilala ‘yan, hindi ko pa nga tapos basahin ‘yong message niya,” paliwanag ko sa kanya at saka ko muling kinuha ‘yong cellphone ko para ituloy ‘yong pagbabasa. Mabuti na lang at hindi na niya inagaw kaya naman parehas naming binabasa ngayon ‘yong message. Sino naman kaya ‘tong magte-text ng ganito. Wala naman nakalagay na pangalan. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi para sa akin ang text message na ‘to dahil wala pa naman akong angiging ka-relasyon. Baka wrong send lang siya. Papatayin ko na sana ‘yong cellphone ko para iligpit ng bigla na naman akong maka-receive ng text galing sa parehong number. “Please answer my call,” basa ni Abigail. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Anong gagawin ko? Sabihin ko ba na wrong send siya? Baka kasi mamaya ay tawagan ako,” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang naman kasi na-experience ‘yong ganito kaya hindi ko alam ang gagawin. “Yeah, sabihin mo na-wrong send siya. Feeling ko kay modus nila ‘yang ganyan. May mga nakikita kasi ako sa internet na nagpapanggap na na-wrong send pero kukunin na ‘yong loob ng biktima tapos kukunin ‘yong mga details nila, and then boom, wala na silang pera,” tuloy-tuloy na paliwanag niya. Kung gano’n ay wala rin naman pala siyang mapapala sa akin dahil wala naman akong pera. Hindi naman ako mayaman kaya mali rin siya ng biniktima. Hindi na ako nag-dalawang isip pa at kaagad na sinunod ang sinabi ni Abigail, mabuti na lang at lagi akong may load dahil kailangan sa trabaho. Matapos mag-reply ay ginawa ko na ulit nan aka-silent mode para kung sakaling may mag-text ay magba-vibrate na lang. Ilang segundo lang matapos kong mag-reply ay nakatanggap ulit ako ng text. “Abigail, anong gagawin ko?” tanong ko sa kanya at saka pinakita ‘yong reply. Sabi kasi ay hindi raw siya naniniwala. Hay naku, ano bang problema ng isang ‘to. “Akin na nga, ako na magre-reply,” wika niya at kinuha sa akin ang cellphone ko at mabilis na nag-type ng sagot. Matapos ‘yon ay binalik na rin niya sa akin kaya naman binasa ko ang reply niya. “Baliw ka! Bakit naman ganito sinabi mo, baka mamaya ma-offend ‘yon,” saway ko sa kanya ng mabasa ko ‘yong reply. Paano ba naman ay sinabihan niya ng siraulo at jerk. Baka mamaya ay hindi naman talaga scammer ang isang ‘to at na-wrong send lang talaga. Hindi ko matukoy kung babae o lalaki ba ‘tong kausap ko pero mukhang kaka-break niya lang at gusto makipag-usap sa kasintahan niya. Bakit naman kasi na-wrong send, ayan tuloy, pati ako problemado sa kanila. “’Wag kang magbibigay ng kahit anong information mo, okay? Hindi tayo sure kung scammer ba siya or na-wrong send lang talaga, pero better be safe than sorry,” tumango naman ako sa sinabi niya. Ilang minuto na rin ang lumipas at hindi na muli pang nag-reply ‘yong nag-text kanina kaya naman sa tingin ko ay okay na. Mukhang effective pala ‘yong reply ni Abigail dahil hindi na nangungulit. “May trabaho ka ba pagkatapos ng klase natin?” “Wala. Day-off ko kasi ngayon pero tatapusin ko na ‘yong iba pa nating activity para hindi makasabay sa trabaho ko,” paliwanag ko sa kanya. Sinimulan na niyang ilabas ang pagkain niya at gano’n din ang ginawa ko. Naalala ko pa no’ng una kung paano ako magtago kapag vacant. Paano ba naman kasi, nagbabaon ako ng pagkain ko para sana hindi na ako bibili sa canteen o kaya sa labas, ang mahal kasi ng pagkain, isa pa ay nagtitipid ako. Kaya naman tuwing vacant ay naghahanap ako ng tagong lugar kung saan wala masyadong dumadaan. Hanggang sa ayon nga, naging close kami ni Abigail at simula no’n pati siya ay nagbabaon na rin. No’ng una ay sinaway ko pa nga siya dahil pakiramdam ko ay napipilitan lang siyang magbaon dahil sa akin. Pero sabi niya ay gusto niya ring magtipid kaya naman hinayaan ko na lang siya. Snacks lang naman ang binabaon namin at hindi kanin dahil saglit lang din ang vacant namin. Pero minsan ay bumibili pa rin kami sa labas kapag hindi ako nakakapagbaon. “Sana ay payagan na rin ako nila mommy na mag-work. Gusto ko rin kasing maka-ipon. And ayaw ko naman na maging spoiled brat.” “That’s good, actually, kasi magiging independent ka, ‘yon nga lang ay mahirap. Pero kung gusto mo, kapag bakasyon pwede ka naman maghanap ng summer job,” suggestion ko sa kanya. Napansin ko kasi na kaya lang naman ayaw siyang pag-trabahunin ng parents niya ay dahil gusto nila na mag-focus siya sa pag-aaral niya. “Summer job?” “Yeah. Magwo-work ka lang during vacation. Ilang buwan lang ‘yon pero pwede na kasi makaka-ipon ka rin, and syempre, experience.” “Nice! Bakit hindi ko naisip ‘yan. I’ll try na i-convince si mommy, kapag napapapayag ko siya I’m sure na papayag na rin si daddy.” Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot. Madalas niya kasing banggitin na gusto niyang mag-trabaho kaya naman naisip ko na pwede niyang gawin ‘yong gano’n. Bakit ba kasi ngayon ko lang din naisip ‘yon. At dahil medyo mahaba ang vacant namin ngayong araw ay nakapag-kwentuhan pa kaming dalawa pagkatapos kumain. One hour din kasi ang free time namin kaya naman mahaba-habang kwentuhan ang nangyari. Muntik pa nga kaming ma-late sa klase dahil hindi namin napansin ‘yong oras. Masyado kasi kaming na-focus sa pag-uusap, paano ba naman kasi ay ang tagal din naming hindi nakapag-kwentuhan ng ganito. “Bye, Scarlett! See you tomorrow,” paalam ni Abigail at saka ako hinalikan sa pisngi. “Bye, ingat ka!” paalam ko naman sa kanya. Sinundo kasi siya ngayon ng driver nila dahil may lakad daw silang pamilya. Tapos na rin naman na ang lahat ng klase namin ngayong araw kaya naman dumiretso na ako sa faculty para kausapin si Miss Ruffa. Pagdating sa faculty room ay kumatok muna ako bago pumasok. “Good afternoon, Sir, nand’yan po ba si Miss Ruffa?” “Yeah, pasok ka na lang,” he said kaya naman tuluyan na akong pumasok at dumiretso sa table ni Miss. Habang papalapit ako ay napansin ko na abala siya sa harap ng laptop niya kaya naman maingat akong lumapit sa kanya. Mahirap na baka maistorbo ko siya, dagdag bad record na naman ‘yon kung nagkataon. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya ay napatingin siya sa akin kaya naman bigla akong kinabahan. “Uhm, Miss, I just want to say sorry po sana regarding sa pag-disturb ko sa class kanina,” panimula ko. Nakatingin lang naman siya sa akin kaya nagpatuloy ako. “I’m sorry po, I forgot to put in silent my phone earlier.” Matapos ‘yon ay nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin kaya naman mas lalo lang akong kinabahan. Nagbaba na lang ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga tingin niya. “No worries, Ms. Carter,” simpleng sagot niya. Bigla naman akong napatingin sa kanya pero nakatingin na ulit siya sa harap ng laptop niya. “It’s fine, dahil hindi ka naman gumagamit ng phone kanina. Alam mo naman na ayokong nadi-disturb ang klase.” “Yes, Miss, I’m so sorry po.” “Don’t worry, this wouldn’t affect your record. Alam ko naman na inaalagan mo ang scholarship mo. And one thing, you are one of my top student so I know how you behave,” dagdag pa niya. “Thank you, Miss. I’ll make sure na hindi na mauulit.” “Yes, you may go na,” she said kaya naman nagpasalamat akong muli bago tuluyang umalis. Pagkalabas ko ng faculty ay nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang hindi magiging bad record ‘yon. Mukhang good mood pati si Miss Ruffa dahil ang malumanay niya magsalita. Well, hindi naman kasi talaga siya nakakatakot na prof, istrikta lang talaga siya kapag oras ng klase kaya naman nakakakaba, pero once na makausap mo siya outside the class ay nag-iiba siya. Pero hindi ko pa rin maiwasan minsan na kabahan kapag kaharap siya. Well, at least, makakapagpahinga ako mamaya ng wala nang iisipin. Kailangan ko na lang ituloy ‘yong mga activity na hindi ko natapos kahapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD