‘The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched — they must be felt with the heart.’ – Hellen Keller -Scarlet’s POV- Pagkatapos din namin sumakay sa ferris wheel ay umalis na rin kami. Well, ako ang nagyaya nang umuwi dahil gabi na rin, hindi ako nakapagsabi kay Auntie Amanda. Ayos lang naman sa kanya na umuwi na kami ng maaga. Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako no’ng pumayag siya gayong ako naman ang nag-desisyon na umuwi na kami. Baka kasi akala ko ay gusto niya pa akong makasama ng kahit ilang minuto pa. Kaya lang kapag naaalala ko ‘yong nangyari sa loob ng ferris wheel ay bigla akong naiilang kaya ayos na rin naman na. Hinatid niya pa ako sa bahay pagkatapos no’n kaya lang ay nakita kami ni Aaron. Hindi ko naman kasi napansin na nasa labas pala s

