Chapter 25

2209 Words
‘The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.’ – Eleanor Roosevelt -Scarlett’s POV- Pagkababa ko sa sala ay sakto namang kararating lang nila auntie at napansin ko ang mga pinamili nila. Mabilis naman akong bumaba para tulungan sila sa pagbubuhat. Kahit na kasama kasi nila si Aaron ay ang dami-dami pa rin nilang dala. Mukha tuloy binili ni auntie lahat ng pwedeng mabili sa mall. “Auntie, ako na po,” wika ko at kinuha sa kanya ‘yong mga paper bag na dala-dala niya. Bawal kasi sa kaya ang magbuhat ng mabibigat pero dahil may katigasan ang ulo niya ay hindi niya rin minsan sinusunod ang mga bilin sa kanya ng doctor niya. No’ng nakaraan nga ay sinubukan niyang kumain ng crispy pata, mabuti na lang at nakita siya ni Manang kaya napigilan siya kaagad. Si Manang lang naman kasi ang nakakasaway sa kanya. Kaya naman minsan ay napapangiti na lang ako kapag nakikita kong para siyang bata na pinagsasabihan ni Manang. Nang maipasok ang mga pinamili nila ay saka lang nila napansin ang mga pagkain na inihanda namin sa mesa. Bigla naman akong natuwa ng mapansin ko na namangha sila sa mga pagkain na inihanda namin. Sayang lang at wala si Eleanor, para sana makita niya ang reaksyon nila Auntie Amanda. “Wow! Ikaw lahat ang naghadan nito, Scarlett?” hindi makapaniwalang tanong ni Manang habang isa-isang tinitignan ang mga pagkain. Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot. “Katulong ko po si Aika sa paghahanda, Manang,’ sagot ko sa kanya. Gusto ko rin sabihin na si Eleanor talaga ang naghanda ng mga ito at hindi ako pero magtataka naman sila. Paniguradong tatanungin nila kung sino si Eleanor, hindi ko naman pwedeng sabihin na multo siya na nakilala ko sa hospital. “Halika at magsikain na muna tayo,” Auntie Amanda said. Napangiti naman ako ng bigyan ako ng thumbs up ni Manang. Tinapik naman ako sa balikat ni auntie at pinuri niya rin ang mga niluto namin. Lalo tuloy lumawak ang ngiti ko. “Manang, sumabay na kayo sa amin ni Aika. Marami naman ‘tong niluto ni Scarlett, paniguradong hindi namin mauubos ‘to,” pagyaya niya kila Manang, napangiti tuloy ako dahil sa sinabi niya. Napansin ko kasi na ang laki rin ng ipinagbago ni Auntie nitong mga nakaraang araw na nakasama ko ulit siya. Dati ay madalas niya akong pagalitan o kaya ay hindi pansinin. Natatakot din akong sumabay sa kanila sa pagkain dahil pakiramdam ko ay ayaw nila sa akin. Na napipilitan lang silang pakisamahan ako. Pero ngayon ay ramdam ko na parang anak na rin ang turing niya sa akin. Kaya naman ‘yong mga tampo na naramdaman ko sa kanya no’n ay nawala na lang lahat. Dahil din sa kanya ay naranasan kong magkaro’n ng isang nanay. Kaya naman good job, Scarlett. Tama ang desisyon mo na bumalik sa bahay na ‘to. “Scarlett, maupo ka na rin at magsimula na tayong kumain,” Auntie said. Nang makaupo na sila ay nagsimula na rin silang magsandok ng pagkain. “Auntie, may susunduin lang po ako. May isa pa po kasing gustong sumabay sa atin sa pagkain,” nakangiting wika ko sa kanya. Mukha naman na naguguluhan sila sa sinasabi ko kaya sinenyasan ko si Aaron na gawin na ‘yong sinabi ko sa kanya kanina. Kaninag umaga kasi ay kinausap ko siya at nabanggit ko sa kanya ang plano ko kaya naman naging kasabwat ko siya. Nang makuha niya ang signal ko ay kinuha na niya ang mga panyo na nasa gilid niya at isa-isang lumapit kina auntie para lagyan sila ng piring. “Aaron, Scarlett, ano ba ‘tong pakulo niyo?” sabi pa ni auntie habang nilalagyan siya ng piring ni Aaron. “Ma, makisabay ka na lang, okay?” saway naman niya sa mama niya ng subukan nitong alisin ang piring. Nang mapansin ko na okay naman na at naka-piring na silang lahat ay dali-dali akong umakyat para sunduin si Amber. Kagabi kasi ay kinausap niya ako na gusto na niya ulit bumalik. Na gusto na niya ulit harapin ang mundo. Kaya naman nang sabihin niya ‘yon ay sobra na lang ang saya ko. Dahil finally, siya na ang nagkusang magsabi na gusto na niya ulit bumalik sa normal ulti ang lahat. Pero ngayon ay hindi na siya ‘yong Amber na dating mahina dahil mas matatag at mas matibay na siya. “Ready ka na ba?” muling tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango kaya naman sinamahan ko na siya pababa. Ilang buwan din kasi siyang nagkulong sa kwarto niya. Lumalabas lang siya kapag pupuntang hospital. Kaya naman excited na ako sa magiging reaksyon ni auntie kapag nakita niya si Amber. Kapag nagkikita kasi sila ay hindi naman siya kinakausap nito, o kaya hindi siya tinitignan sa kanyang mata kaya naman madalas na nakikita kong umiiyak sa kwarto niya mag-isa si Auntie. Pansin ko rin na pinipilit lang maging matatag ni Aaron para sa kapatid at mama niya, lalo na at siya ang nag-iisang lalaki sa pamilya ngayon. Naalala ko pa no’ng kinausap namin si uncle para ipaalam sa kanya ‘yong nangyari kay Amber ay sobra ‘yong galit na naramdaman niya. Gusto niya ngang umuwi kaagad pero hindi niya magawa dahil naghigpit ‘yong sistema nila. Kaya naman ngayon na naglakas-loonb na si Amber ay masaya ako para sa kanya. Nakaayos din siya ngayon kagaya ng typical na Amber na kilala ko, pero ngayon ay mas simple ang makeup niya kaya naman sobrang bumagay sa kanya at nakapag-paamo sa kanyang mukha. Habang pababa kami ay naririnig ko pa ang reklamo ni auntie dahil nagugutom na raw siya. Si Manang naman ay gusto na rin daw kumain dahil natatakam na siya sa amoy ng pagkain. Nang mapansin ni Aaron na pababa na kami ay nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya, naluluha namang lumapit sa kanya si Amber at saka sila nagyakap na dalawa. “Good job, you did well,” narinig kong bulong ni Aaron sa kapatid. Matapos ‘yon ay pumunta na kami sa gitna dahil kanina pa nagre-reklamo si auntie, para bang ano mang oras ay handa na siyang magbuga ng apoy. Kaya naman hindi ko na pinatagal pa at pinatanggal ko na sa kanila ang suot-suot nilang piring. “M-mama,” naiiyak na wika ni Amber ng makita ang mama niya. Natigilan naman si Auntie dahil siguro sa pagkagulat habang nakangiti naman sina Aika at Manang kay Amber. At dahil wala pang nagsasalita ni isa sa kanila ay napansin ko ang pagtayo ni Manang sa upuan niya at ang paglapit kay Amber. Nang makalapit siya rito ay mahigpit niya itong niyakap. May sinabi pa siya rito bago sila tuluyang naghiwalay sa pagkakayakap. Sunod naman na tumayo ay si Aika. At kagaya lang din ng ginawa ni Manang ay mahigpit siyang yumakap kay Amber habang tinatapik-tapik ang likod nito. Sunod naman na tumayo si Auntie Amanda na naluluha na habang dahan-dahan na naglalakad papalapit sa anak. At nang tuluyang makalapit kay Amber ay parehas na silang umiiyak ngayon. Ilang minuto pa sila sa gano’ng pwesto bago sila tuluyang naghiwalay sa pagkakayakap. “You did well, too,” kaagad naman akong napatingin sa nagsalita sa gilid ko. Akala ko ay si Aaron pero si Mr. Julian pala. Katabi niya ngayon si Jackson habang nasa kabilang gilid ko naman si Eleanor. “Wala naman akong ginawa,” sagot ko habang nakatingin pa rin kina Auntie Amanda. “I’m so proud of you,” narinig kong sabi ni Eleanor kaya naman napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang naiiyak ako sinabi niya. Hindi lang naman siya ang nagsabi sa akin ng ganya’n pero para bang tagos sa puso ko ‘yong mga sinabi niya. Ibinaling ko na lang sa iba ang atensyon ko dahil nararamdaman ko na malapit nang tumulo ang luha ko. Hindi dapat ako umiyak ngayon dahil masaya ang okasyon. “Scarlett,” tawag sa akin ni Auntie Amanda kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ko. Nagulat naman ako dahil bigla niya akong niyakap. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko pero kinuha ni Amber ang kamay ko at ipinatong sa likod ng mama niya. Ngumiti na lang ako sa kanya at niyakap na rin pabalik si Auntie Amanda. “Thank you. Thank you so much,” paulit-ulit na sabi niya habang nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung anong ire-react ko kanina dahil ito ang unang beses na niyak niya ako kaya naman sobra-sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. “Oh, tama na nga muna ang drama, nagiging haggard na tayo,” natatawang sabi ni Manang kaya naman kumalas na rin kami sa pagkakayakap. “Magsi-upo na kayo at tikman natin ‘tong mga pagkain na inihanda ni Scarlett,” dagdag pa ni auntie na akala mo ay hindi siya umiyak. Bago tuluyang maupo ay tumingin pa ako sa lugar kung saan nakatayo kanina sina Eleanor pero wala na sila ro’n ngayon. Bigla-bigla na naman silang nawawala. Hindi ko na muna sila inalala at nagsimula na kaming kumain. Buong oras na kumakain kami ay nakangiti lang ako dahil masaya talaga ako. Mas masaya pala talaga kapag kumpleto kayong lahat. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang mga magulang ko. Mas magiging masaya sana kung kasama rin namin sila, pero imposible namang mangyari ‘yon dahil wala na sila. Hindi ko na sila makakasama pa. ----- Matapos naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Auntie na lalabas muna ako para magpahangin. Para na rin magkaro’n sila ng oras na makapag-usap, alam ko naman na na-miss niya si Amber. Kahit kasi na nasa iisang bahay kami ay hindi niya rin naman ito nakakausap. Mabuti na lang at may malapit na park dito sa lugar namin. Kahit na hapon na ay walang mga batang naglalaro, sakto naman na hindi mainit kaya okay tumambay sandali. Nakaka-miss din pala na magkaro’n ng oras para sa sarili mo. Kahit na masaya ako kasama sila Auntie Amanda, hindi pa rin kumpleto, pakiramdam ko parang may kulang. “Scarlett?” agad akong napatingin sa tumawag sa akin at nagulat ako ng makita ko si Mark. “Mark? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya. Hindi naman siya taga-rito kaya naman nakakagulat na makita siya ngayon. “May kaibigan kasi ako malapit dito. Lumabas lang ako sandali para tumambay, sakto nakita kita,” nakangiting sagot niya. Naupo naman siya sa katabing swing ng inuupuan ko. Kaya naman pala alam niya rin ang lugar na ‘to ay dahil may kakilala pala siya na taga-rito. Mukhang masyado nang nagiging maliit ang mundo naming dalawa dahil sa dalas ng pagkikita namin. “Ikaw, anong ginagawa mo rito?” tanong naman niya pabalik. “Nakatira ako ngayon sa bahay ng tita ko,” sagot ko naman. Matapos ‘yon ay binalot na kami ng katahimikan. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasbaihin ko kaya nanatili akong tahimik at mukhang gano’n din naman siya. Kahit na tahimik ay hindi naman awkward kaya ayos lang naman sa akin, isa pa ay tinatamad din talaga akong magsalita. “Uhm, gusto mo bang lumabas?” wika niya pero hindi ko masyadong narinig kaya tumingin ako sa pwesto niya at para siyang nahihiya na ewan. “Sorry anong sabi mo? Hindi ko kasi masyadong narinig.” “Pwede ba kitang yayain lumabas?” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina. Niyayaya niya ba akong lumabas? Ano namang gagawin namin? Bigla tuloy ako napaisip kung may gagawin ba ako pero wala naman. Wala rin naman akong pasok ngayon dahil day-off ko. “Sige,” nakangiting sagot ko sa kanya. Mukha namang nagulat siya sa sinagot ko. Bakit akala niya ba ay hindi ako papayag? “Nice! Tara,” masayang sagot niya at saka niya ako hinila patayo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil nakasunod lang naman ako sa kanya. Medyo naiilang tuloy ako kasi nakahawak siya sa kamay ko. Ilang minuto pa kaming naglakad ng makarating kami sa isang street na puno ng mga street vendor. Namangha naman ako dahil hindi ko alam na may ganitong lugar pala rito. “Nagustuhan mo ba?” tanong niya sa akin kaya naman tumango kaagad ako. Ang ganda. Para kang nasa isang festival. May mga banderitas na nakasabit sa kabuuan ng kalye. May mga nagtitinda ng iba’t ibang klase ng pagkain sa mga gilid. At marami ring tao. Bukod sa pagkain ay may mga nagtitinda rin ng mga souvenir kaya naman ang lakas maka-festival ng dating. Bakit ba kasi ngayon ko lang nalaman ang lugar na ‘to. Edi sana pala dati ay dito ako pumupunta para mag-celebrate. “Hindi ko alam na may ganitong lugar pala rito,” sabi ko sa kanya habang nililibot ang paningin ko sa buong lugar. “At least ngayon alam mo na,” nakangiting sagot niya kaya ngumiti lang din ako sa kanya. “Tara!” At dahil hawak niya pa rin ang kamay ko ay nagpadala lang ulit ako sa kanya kung saan niya ako dadalhin. Sinubukan ko na nga na dumaan sa gitna ng tao para lang bumitaw ‘yong kamay niya sa akin pero saglit niya lang bibitawan tapos hahawakan niya ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD