[01] - THE ANNIVERSARY.

2178 Words
CHAPTER 01 - THE ANNIVERSARY. ALDEN'S POV "Hello, pare, kailan mo  ba balak bumalik dito sa Cebu? Ako kinukulit nung mga chicks mo, eh." Lagi siyang tumatawag sa akin para lang kulitin akong bumalik sa Cebu. It's been 6 months since I've decided to let go of all the memories of Gail at tanggapin na kahit ano pang gawin ko, hindi na siya babalik. "Hindi. Biro lang, pare, pero seriously kailan mo ba balak bumalik? Nakalimutan mo na bang naka-plano tayong mag-put up ng business dito." "Yeah! I know, pare, pero marami pa akong inaayos dito sa Manila." I am driving home sa bahay ni Mama. Since Gail's gone di ko pa sinusubukang umuwi sa bahay namin, honestly di ko pa rin alam kung ano'ng magiging reaction ko pag pumunta ako do'n. Nando'n kasi lahat ng memories namin na magkasama kami. "Anyway, tumawag din kasi ako para sabihing nakita ko ulit kahapon yung kamukhang-kamukha ng asawa mo." "Don't trick me, pare, para lang bumalik ako d'yan." Pinaka-ayoko talaga sa lahat yung pinapasok sa usapan si Gail dahil aminin ko man o hindi, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako na wala na siya. I heard of another beep coming from my cellphone, ibig sabihin may tumatawag. "Bababa ko na, pare, may incoming call ako baka importante." Di ko na hinintay yung sagot niya, I just end up the call and answer the other one. "Hello?" "Alden, anak, nakatanggan ako ng invitation galing kay Megan." Si Mama, kahit wala na kaming pag-asa ni Megan, hanggang ngayon umaasa pa rin siya na magkakatuluyan kami but that was a ridiculous part of the story. Para sa akin kasal na ako na wala na kong balak mag-asawa ulit. "So, what's up now?" "She has an upcoming engagement party. Anak, naman kasi napakabagal mo sabi ko naman kasi sa'yo may pag-asa pa kayo. Eh, ngayon wala na." Ramdam ko ang disappointment sa boses niya. "Ma, I better end up this call. See you later." Malapit na ko sa subdivision namin, pero dineretcho ko lang. Gusto ko munang matahimik. Sigurado pag-uwi ko si Megan ang topic ni Mama. Isang lugar lang naman ang gusto kong puntahan ngayon, sa dagat na una naming pinuntahan ni Gail, kung saan ko na-realize na gusto ko siyang alagaan... habang buhay. Pagdating ko bumaba ako, madilim na rin alas otso y media na rin kasi. Ngayon ko lang ulit naramdaman yung ganitong klase ng lungkot. Bakit nga ba ako nandito? Bakit ko nga ba inaalala ang lahat? Tingin niyo, bakit? Bakit pinipilit ko saktan yung sarili ko kahit alam kong pwede naman ako magpakasaya, kung gugustuhin ko? Simple lang ang sagot, ngayong araw, oo ngayong araw sana ang anniversary namin. 2nd anniversary na sana namin ngayon kung inalagaan ko lang siya ng tama, kung hindi ko lang siya niloko at sinaktan sana magkasama pa kami ngayon. I look to my ring finger, hanggang ngayon nando'n pa rin yung singsing na ginamit namin nung kasal. Kahit di totoo yun, kahit peke ang lahat, para sa akin yung araw na yun ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko, bukod sa araw na nakilala ko siya. Di man totoo ang lahat pero para sa akin lahat ng sinabi ko sa kaniya nung araw na yun, totoo at lahat yun galing dito sa puso ko. Nung kasal kahit di pa ko sigurado sa totoong nararamdaman ko para sa kaniya, gusto ko ng totohanin ang lahat. Oo, pumasok talaga sa isip ko ang lahat ng yun. Dahil nung araw na yun, alam ko, siya na ang babaeng para sa akin. Sa araw-araw na kasama ko siya lalo kong napatunayan na di ko kayang mawala siya. Kaya ilang beses ko tinangkang sabihin na sana totohanin na namin ang lahat o kung pwede sana wag na kami maghiwalay pero wala. Nawala pa rin sa akin yung babaeng mahal ko. Tumingin ako sa langit, "Happy anniversary, misis ko." Then I smiled. "Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita at hanggang ngayon di ko pa rin kayang kalimutan ka." Tears slowly running down to my face. Hanggang ngayon masakit pa rin talaga, ito yung sakit na alam kong kahit kialan hinding-hindi ko kayang takasan dahil kahit saan ako pumunta na sa puso ko pa rin siya. I'd stay a little longer, hinayaan ko lang yung sarili kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Di ko na alam kung paano pa ko makakawala sa sakit na dulot ng pagakawala nya. Naglakad ako palapit sa dagat, para ihagis yung dala kong bulaklak but someone caught my attention.  "Miss!" tawag ko, pero di siya lumingon, tuloy lang siya sa paglakad papunta sa malalim na bahagi ng dagat, hanggang dibdib na niya yung tubig kaya alam ko at sigurado ako na balak niyang magpakamatay. Di na ko nagdalawang isip na lumangoy palapit sa kaniya, ngayon hanggang leeg na niya yung tubig. "Miss!" Paglapit ko pilit ko siyang hinatak palapit sa'kin pero pumiglas siya kaya nabitawan ko siya ulit at na sa ilalim na siya ng dagat. Sumisid ako para sagipin siya, di ko siya kilala pero may nagtutulak sa akin para sagipin siya. Nagpupumiglas pa rin siya habang hawak ko siya. "Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!" Sigaw niya habang pinagsusuntok ako wala kong paki kahit masakit at kung saan tumama lahat ng suntok niya, ang kailangan lang ay mailigtas ko siya. "Hayaan mo na lang akong mamatay! Ganun din naman ang mangyayari mamatay din naman ako! Bitawan mo ko nakikiusap ako sa'yo," she's begging while crying. I don't know what to do, di ko alam kung ano yung mga sinasabi niya pero di ko hahayaan na mamatay siya. Pagdating namin sa pangpang binaba ko siya at pabagsak akong naupo sa tabi niya. "Miss, di ko alam kung ano yung mga sinasabi mo pero di solusyon sa problema ang magpakamatay." Ilang beses ko na nga rin bang ginawa yun pero kahit kailan di lang nagiging maganda ang kinalalabasan kaya hinayaan ko na lang mabuhay yung sarili ko na parang isang patay. "Di mo ko naiintindihan! Di mo alam kung gaano kasakit yung pinagdadaanan ko ngayon! Sana di mo na ko pinakialaman at sana hinayaan mo na lang akong mamatay." Sigaw pa rin niya habang umiiyak. "Saan ka ba nakatira? At na saan na ang mga magulang mo? Ihahatid na kita." Tumayo ako at sinubukan ko siyang alalayan patayo pero hinampas lang niya yung kamay ko. "Wala akong bahay at lalong wala akong magulang! Kaya nga sana hinayaan mo na lang akong mamatay!" Wala siyang bahay at wala siyang magulang? Pero mukha namang may pinag-aralan siya, it's base on how she dress. "Di ka naniniwala? Matagal na kong ulila, namatay ang parents ko sa isang car accident 1 year ago, at ngayon na diagnose na may brain cancer ako and I have only 5 months to live. Ngayon sabihin mo sa akin kung may dahilan pa ba para mabuhay ako? Kaya nga sabi ko sa'yo hayaan mo na lang ako." All the pain I could see on her eyes, di ko alam na mas mabigat pa pala yung dinadala niya kaysa sa akin. Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko siyang hinila para yakapin, di naman siya tumutol. Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ko. Isang babae ang naaalala ko sa kaniya, ang nag-iisang babaeng minahal ko. Nung naramdaman kong okay na siya, binitiwan ko siya at inakay pasakay sa kotse ko. Alam kong di niya kailangan ng awa ko pero alam kong kailangan niya ng isang taong makakaramay, kaya di ko siya hahayaan. Basa kami pareho kaya di ko na binuhay yung aircon na kotse ko, we're now travelling back to our house. Napansin ko yung isang stand ng cafeteria. That was the same cafeteria na pinuntahan namin ni Gail, hininto ko yung sasakyan ko. "Basa tayo kaya kailangan nating mainitan." Bumaba ako pero mukha wala syiang balak bumaba kaya umikot ako dun sa pwesto niya at hinatak ko siya pababa. "Di mo naman kailangan gawin lahat ng 'to, mister, pwede mo na nga akong iwan ngayon dito." Tutol na naman niya, I know this is her attitude mukhang mahirap siyang i-please. Katulad siya si Gail masyadong ma-pride. "Di kailangan pero gusto ko." Pumasok kami ng Cafeteria, lumapit ako kay manang at um-order ako nung dati naming in-order ni Gail. Di ko alam kung natatandaan ako ni manang pero nakatingin lang siya sa akin. "Mawalang galang na, hijo! Nagkita na ba tayo dati?" Mukhang natatandaan niya nga ako. "Yes, manang. Kumain na rin kami dati dito ng Misis ko." Nakangiting sabi ko, masaya akong alalahanin lahat ng memories namin ni Gail. Mas tinitigan niya ko, alam kong pilit niyang inaalala ang lahat. "Ah! Ikaw yung bata na galing ng bundok ng tralala." she fin'lly remember what Gail said, napangiti ulit ako pero this time nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil mas lalo ko siyang namiss. "Teka, na saan nga ba ang misis mo? Di ba't hindi naman siya iyon dahil natatandaan kong masiyahin ang batang iyon." She definitely remember my wife. "Aba't hiwalay na ba kayo at iba na 'yang kasama mo ngayon! Ay naku, yan na nga ba ang sinasabi ko ang bata niyo kasing magpakasal kaya maaga kayong nagkasawaan." "Nagkakamali mo kayo, manang. Hanggang ngayon mahal ko pa rin ang asawa ko at kahit kailan di ko siya kayang palitan." Nakangiti ako pero nararamdaman ko na naman yung sakit. "Kung ganun, eh, bakit hindi mo siya kasama ngayon?" "Wala na po siya, last year pa po." "Ito na yung lugaw niyo, oh. Enjoy your meal, hijo at masaya akong nakita kitang muli." Halatang nagulat siya pero hindi na siya nagtanong. I know that was the sign of her respect. "May asawa ka na pala., sabi nung babaeng kasama ko, hanggang ngayon di ko pa rin alam ang pangalan niya. "Ano palang pangalan mo, miss?" "Louise. Louise Dela Torre." "Alden De Leon." I offer a shake hand. "Alam ko di mo pa ko kilala pero sana magtiwala ka sa akin. I'm not helping you to ask a favor later on, tinulungan kita dahil gusto ko." "Di ko alam kung bakit mo ginagawa lahat ng 'to pero nung malaman kong namatayan ka rin pala. I think we have similarity, kaya gusto kong mas makilala ka Mr. De Leon." "You can call me Alden." "I'm so lucky to meet you in the most miserable situation of my life, Alden. Hindi totoong wala akong bahay pero totoong wala na kong mga magulang. Ayoko lang umuwi sa bahay namin dahil dun ko nararamdaman ang sobrang lungkot." "Don't worry I understand. Let's not talk about that, alam kong di ka pa komportable sa akin." Ayokong pilitin niya yung sarili niyang ikwento sa akin ang lahat dahil alam ko masakit. Masakit yung gano'ng pakiramdam. Pagtapos naming kumain, nagpaalam na kami kay Manang. "Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong niya. "Sa bahay namin. Alam kong malungkot ka kaya kailangan mo ng kasama." Di na siya sumagot, di na rin ako nagsalita. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ni Mama. "Sino siya anak?" "Mamaya ko na po iku-kwento sa inyo, pakisamahan po siya sa guest room tapos pakibigyan po siyang ng ilang spare ng damit ni Gail." Dumiretcho na rin ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod, pagtapos nahiga na ko. I was lying when someone knock on my door. Si Mama, "Anak, sino ba yung babaeng yun? Kailan ka pa natuto maguwi ng babae?" "Mama, di ko siya babae, nakita ko siya kanina at gusto niyang magpakamatay kaya pinigilan ko. Pero dahil mag-isa na lang siya sa buhay kaya naisipan ko na ring tulungan siya. Wag niyo na lang masamain yung ginagawa ko, tinutulungan ko lang naman yung tao." "Alden, di ko minamasama yung ginagawa mo pero natatakot ako sa mga ginagawa mo. Di ko alam kung saan mo siya napulot pero alam kong alam mo di siya simpleng babae lang." "Ano bang ibig mong sabihin, Ma?" di ko maintindihan na tanong sa kaniya. "Ayokong habang buhay kang mabuhay sa alaala ni Gail kaya naisip ko na ihanap ka ng mga babaeng pwede mong ibaling yung nararamdaman mo pero di ko alam na hanggang ngayon baliw ka pa rin kay Gail." "Ma, pwede ba wag ka na magpaliguy-ligoy pa, ano bang gusto mong sabihin?"  "Alam kong kung simpleng babae lang siya di mo na siya tutulungan ng ganito, oo, ililigtas mo siya pero di mo na siya iuuwi dito sa bahay natin. Alam ko na kaya mo siya tinutulungan ng ganito dahil napakalaki ng pagkakahawig nila ni Gail kaya di ko alam kung ano yung tumatakbo sa isip mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Magkahawig sila ng asawa ko? Simula nung makita ko siya di ko napansin yun dahil para sa akin nag-iisa lang si Gail. Kaya ba simula kanina pakiramdam ko siya si Gail kasi magkahawig sila, kaya ba parati kong nakikita si Gail sa kaniya? Ano ba 'tong ginagawa ko? Mali ba 'to? Di ko alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko bukod sa gusto ko ulit makasama yung asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD