[22] - PLAY A PIANO. LANCE' POV #2 - LEARN TO PLAY A PIANO. - This is what I really dream of, to play a piano with someone. Alam ko late na para mag-aral pa ko mag-piano pero tulad nga ng sabi nila, 'It's better to late than never'. Napangiti ako dahil kahit paano marunong naman akong tumugtog ng piano. Kahit ako na mismo yung magturo sa kaniya. Nandito na ko sa ospital ngayon, si Tita kasi yung nagbantay kagabi. Di rin naman ako nakatulog ng maayos. "Lance." Napalingon ako. "Oh, Tita." Papasok na sana ko ng room ni Gail. "Gusto sana kitang makausap kahit saglit lang." Tumango naman ako, umupo siya sa mga upuang naka-provide sa labas ng mga rooms kaya umupo na rin ako sa tabi niya. "Ano po yun?" "Naisip kasi naming ilipat na ng ospital si Gail at gusto sana namin sa Manila na nami

