Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nit

