NAGKULONG sa kwarto si Ruth, ayaw niyang paniwalaan ang nangyayari sa kanya ngayon. Hindi pa niya nakausap ang kanyang mga magulang. Chesca, ako si Chesca Daia Fuego. Hindi ako si Ruth Dionson. Napabuntong – hininga siya, ngayon na lamang siya nalinawan kung bakit may pinapainom itong gamot, para sa maintenance ng pagbura sa kanyang alaala. Napaiyak siya, para lang niyang niloloko ang sarili niya, nalilinawan na siya kung bakit nakikita niya ang kanyang dalawang kapatid at nagpaparamdam sa kanya, nalinawan siyang para rin ito sa kaligtasan niya. Matagal na nag – aantay ang dalawa niyang kapatid na pumanaw, dahil alam niya sa kanyang sarili na siya ang susi sa mga kasagutan kung bakit isa – isa silang pinaslang ng kanilang ama. Si kuya Giovane, nakita na ako ni kuya Giovane. Biglang nan

