Napapakamot na lamang ng ulo si Jake nang may naiulat naman sa kanya na nawawala silang Ruth, Ericka, at maging si Thalia. Paanong nawala ang tatlo nang sabay? Tanging napatanong na lamang sa kanyang isipan. Wala siyang tulog sa kakaisip, paano niya mahahanap si Jasmin, at ngayon nadagdagan pa siya ng problema. Responsibilidad niya ang kanyang nasasakupan. Hindi na maganda ito. Napailing – iling siya. Mataas na ang araw noon, at masakit pa ang ulo niya sa kadahilanang dala – dala ang problemang kinakaharap niya ngayon. “Sir Jake.” Tawag ng isang kasamahan nito. Napatingin na lamang siya sa kanyang kasamahang guro na si Harold. “May na detect ang tracker device, kangina, pawala – wala ito.” Pabulong nitong sabi. Doon, napabalikwas siya sa kanyang upuan, hindi ito sumagot. Tinanguha

