chapter 1

1548 Words
"Fatima anong gagawin natin ngayun? Baka madamay tayo n’yan." nag aalalang sambit ni Rolando sa kanyang asawa ng tanggapin nito ang iniutos sa kanila ng kanilang mga amo na itakas ang anak na babae ng mga ito. "Ako man ay kinakabahan pero na aawa ako sa sanggol Rolando, hindi kaya ng konsensya ko pag may mangyaring masama dito. Hayaan muna mabait naman sa atin ang ating amo kaya tulungan na lang natin, hindi naman nila tayo pababayaan, nangako naman sila sa atin na bibigyan nila tayo ng sapat na salapi para mabuhay natin itong bata at hindi nila tayo pababayaan. Pagkakataon na natin itong maging isang magulang, ilang taon na tayong nagsama at kasal pero hindi tayo nabiyayan ng anak dahil parihas tayong may diperensya at hindi magka Anak. Pumayag kana please, pagma maka-awa ni Fatima sa kanyang asawa." hindi nag tagal ay tumango nalang si Rolando bilang pagsang ayon sa kagustuhan ng asawa. Pabor Narin sa kanila ito, tama din naman ang kanyang asawa, parihas silang hindi magka Anak kaya aalagaan at paka mamahalin na lang nila ang anak ng kanilang amo na ngayun ay nahaharap sa matinding pagsubok sa buhay. Kinabukasan ay lumipad ang mag-asawang Fatima at Rolando Reigns patungong Pilipinas kasama ang dalawang buwang sanggol na batang babae. Alas Dos pa lang ng madaling araw ay nag byahe na ang mag-asawa patungo sa Airport ng Denmark. Makalipas ang labing Tatlong oras at Limang minutong byahe ay narrating dn nila ang Bansang Pilipinas. Agad namang nagpa sundo ang mag-asawa sa kapatid ni Rolando na si Roman na siyang namamahala sa maliit nilang Negosyo na Construction materials, kasalukoyan itong nag aaral sa isang University sa kamaynilaan. Dese syete anyos pa lang ito. Pero may alam na sa Negosyo, kaya Bilib na bilib sila dito dahil napalago nito ang kanilang munting Negosyo kahit pa nag-aaral pa lamang ito. Sila na ang nagpa aral dito dahil wala na ang mga magulang nito noong nakaraang tatlong taon. " Kamusta ate kuya?" bati ng binatang si Roman sa mag-asawa. Nagulat at natuwa pa ito sa Nakita, napatakip pa ito sa bibig at hindi maka paniwala na magkaka anak ang mga ito, dahil hindi lingid sa kaalaman nito na hindi sila parihas mag-kaka anak. Totoo ba ito kuya? ate? May pamangkin na ako? Salamat sa Dios at dininig niya ang panalangin ko na sana ay may himala at mag kaka anak kayo," ani Roman sa nagagalak na tuno. Akin na ang ibang gamit kuya, ani’to at kinuha ang ibang bagahi at dinala sa sasakyan. Agad Narin nilisan ang Airport at nag tungo sa kanilang bahay. Hindi naman makapaniwala ang mag-asawa sa nakikita., ang akala nilang simpleng bahay lamang ay mansion pala, subrang tuwa naman ng mag-asawa sa nakikita. Napayakap pa ang mga ito sa Binatang si Roman. Napaka buti talaga nito at napaka talented. “ ang ganda ng bahay Roman, hindi ko inakala na mag kakaroon tayo ng mansion, ang akala kung simpleng bahay lang ay nagging ganito ka laki at ka ganda, papuri naman ni Fatima sa kanyang hipag. Ikaw ba ang nag design nito? Dagdag tanong pa ni Ftima na taas noo naming tumango si Roman. “ opo ate ako po ang nag design nitong bahay, proud na sabi nito. “ proud na proud ako sayo Roman. Ani’Rolando sa kapatid saka ito niyakap. Hindi ako nagka mali na saiyo namin ipinagkatiwala ang pinapadala naming pera para mapatayo ang munting Negosyo at ito nga nakapag patayo kapa ng bahay natin, hindi lang basta bahay, Mansion pa. ani Roman at niyakap ang nakababatang kapatid. Siya nga pala kuya may ibibigay pala ako sayo saglit lang kukunin ko sa opisina. Ani’to na nagpa nganga sa mag-asawa. Nagulat kasi sila sa sinabi nitong opisina. May sarili na silang opisina sa loob ng kanilang pamamahay. Hindi nag tagal ay bumalik ito sa sala kung saan naka upo ang mag-asawa bitbit ang isang attache case na nag lalaman ng mga importanteng mga papeles. “ ito po kuya, sana huwag kang magalit kung pinakialaman ko ang pera niyo ni ate at hindi nagpa alam sa mga nais kung gawin. Pag hihingi nito ng pasensya at napa yuko. “ ma upo ka Roman, ani Rolando sa nakakabatang kapatid. Agad naming binuksan ni Rolando ang naturang attache case para lang magulat sa Nakita. Hindi niya lubos akalain na ganoon na kalayo ang narating ng perang pinadala nila dito para maka pag simula ng munting Negosyo. Kaya naman ay napa iyak siya sa tuwa. Agad naming nilapitan ni Fatima ang kanyang asawa dahil nag-alala ito kung bakit umiyak ito. At ganon na lamang ang gulat ni Fatima ng makita ang mga papeles. Lima na pala ang branch ng kanilang construction material Hardware at may isa pang bakanteng lupa na binili ito. Sa " ano ang gagawin mo sa bakanteng lupanng ito Roman?" Tanong naman ni Rolando sa kanyang kapatid. " kung okay lang po sainyo ni ate Fatima kuya Rolando." gusto kong patayuan ng building ang lupang iyan pag dating ng panahon at maging ganap na inhinyero na ako, at magka roon tayo ng sariling kompanya." sagot naman ng Binatang si Roman. "Ikaw ang bahala Roman, nandito lang ako, kame ng ate Fatima mo, handa kaming aalalay sayo." ani Rolando sa kapatid. " maraming salamat kuya, kung hindi rin dahil sainyo ni ate hindi ako maka pag aral sa isang sikat na Unibersidad dito sa kamaynilaan. Maraming salamat din sa tiwalang ibinigay niyo sa akin." Pagpapa salamat naman ni Roman. " walang ano man Roman." ani Fatima, Kung sana buhay pa sila inay at itay seguradong matutuwa mga yun sayo, ang layo na ng narating mo. Alam ko balang araw ay magiging isang sikat na inhinyero ka at lalago pa itong Negosyo mo. Dagdag ani pa nito. " Hindi naman po ito akin ate, sainyo po ito ni kuya Rolando. Ginawa ko lang po ang tama at nararapat. Napaka buti niyo po sa amin nila itay at inay. Alam ko pong nag hihirap at pinag hirapan niyong pag trabahuan sa ibang bansa ang perang pinapadala Ninyo sa akin para sa negosyong ito." Salaysay ni Roman sa mag-asawa. " talagang tinupad mo ang pangarap natin noon nung mga bata pa tayo. Proud na proud ako sayo bunso". ikaw ang tumupad sa pangarap natin. Ani Rolando. "Nagugutom na po ba kayo ate, kuya? Naka pag luto napo ako ng pagkain, saglit lang at ihahain ko po muna". Ani Roman at agad na nilisan ang sala kung saan naka upo ang mag-asawa. Ng maka alis si Roman ay nag-usap naman ang mga ito. "Napaka buti talaga ng kapatid mo Rolando, Akalain mo iyon sa murang edad niya ang pag nenegosyo agad ang iniisip at inatupag habang nag-aaral. Malayo ang mararating niyan mahal". Ani Fatima at inihilig ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang asawa. "Kaya nga mahal, subrang nagulat at namangha ako sa naipundar niya. Hindi ko sukat akalin na may Lima na tayong sangay ng Construction Hardware at isang bakanteng Lupa at patatayuan niya ng building sa tamang panahon. Tutuparin ko ang pangarap niya mahal, tutuparin natin." sambit ni Rolando na halatang proud na proud sa ginawa ng bunsong kapatid. Di nag tagal ay tinawag na ni Roman ang kanyang ate at kuya para makapag tanghalian ang mga ito at maka pag pahinga. Habang kumakain ay panaka-naka din silang nag-uusap. Napagka sunduan nilang kumoha ng katulong para hindi sila gaanong mahirapan. Gusto din kasi ni Rolando na tutukan ang negosyong nasimulan ng kanyang nakababatang kapatid para hindi ito masyadong ma pressure at para makapag focus ito sa pag-aaral . Hindi hamak na napaka laki naman kasi ng ipinatayong bahay ni Roman kaya hindi kakayanin ni Ftima na linisin iyon lalo pa at may bata na silang kailangan nilang alagaan at bigyan ng atensyon. Matapos nilang kumain ay agad na inihatid ni Roman ang mag-asawa sa silid ng mga ito. Subrang tuwa naman ni Fatima ng makita ang kanilang magiging kwartong mag-asawa. Napaka ganda ng design at décor ng kanilang kwarto, ang ganda talaga ng taste nitong binata niyang bayaw, kaya napaka swerte ng magiging asawa nito sa hinaharap. Hiling lang nila ay sana hindi ito mag bago. "Maraming salamat Roman, nagustuhan ko ang silid naming ito". Ani Fatima. "Maraming salamat din ate at nagustuhan mo".Hmn! Kuya aalis napo muna ako, at magkikita kami ng mga ka klase ko, may group activity kasi kaming gagawin. Sa bahay lang naman po kami ng ka klase naming doon kila Ziggler. Pag papa alam ni Roman sa nakakatandang kapatid". Wala namang pag alinlangan at agad na pumayag si Rolando sa pag papaalam ng kanyang kapatid alam niya namang hindi ito nag sisinungaling at maaasahan ito. Agad namang nilisan ni Roman ang kanilang bahay at minaniho ang kanyang sasakyan at pinuntahan ang kanyang mga kaibigan sa bahay nila Dolf. Pag dating niya doon ay naroon na ang kanyang mga ka klase. Sa loob ng kanilang classroom ay silang apat lang ang nagkakasundo. Mga mayayaman ang mga ito at hindi siya minamaliit ng tatlo niyang mga kaibigan. Bagkos ay binibigyan siya ng mga ito ng idea kung paano mapalago ang Negosyo na itinayo niya, May kanya-kanyang mga Negosyo ang mga magulang ng kanyang mga kaibigan mga myembro ng mga Elite sa syudad. Laking pasalamat niya dahil nakatagpo siya ng mga kaibigan na mga mababait at Hot katulad n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD