"Ano ng balita KC " na hanap n'yu na ba ang pamangkin ko?". tanong ni Roman sa kabilang linya, tinawagan n'ya na ang kaibigan ng hindi na maka tiis at maka pag hintay sa tawag nito.
"Chelax Bro! alam na namin kung saan s'ya dinala ng babaeng kumoha sa kanya at papunta na kami sa Laguna, dahil ayon sa napag tanungan namin ay taga laguna pala ang Waheeda na iyon". sagot naman ni KC sa kaibigan.
"Okay balitaan mo'ko agad at tawagan pag nasa Laguna na kayo". ani Roman sa kabilang linya.
"aOkay Bro! baboosh!" ani sa kabilang linya bago nito pinatay ang tawag.
Ng marating nila KC ang Lugar ay agad na nag tanong ito sa mga ka bahayan kung saan naka tira si Waheeda at kung may kasama ba itong dalagita at ipinakita pa nito ang larawan ni Grezhel ngunit hindi ito kilala ng una nitong napag tanungan, kaya naman ay nag lakad pa ang mga ito sa looban ng naturang lugar.
"Tao po, tao po!" katok ni KC sa isang tindahan.
"Anong atin Ma'am?" agad na tanong naman ng tindera.
"Pabiling Pop Cola po manang". ani KC at kumoga ng Bente Pesos para pambayad.
ng maka bayad ay hindi na nagpa ligoy-ligoy pa si KC at agad na ipinakita sa tindera ang larawan ni Grezhel at nag tanong kung kilala ba nito ang dalagita.
kita naman sa mukha ng Ali ang pagka gulat at tiningnan ng may pag tataka si KC, "Anong kailangan mo sa batang iyan?" tanong nito.
"Nakita ko ba dito itong bata na ito?" tanong ni KC imbes na sagutin ang tanong ng Ali.
"Wala na dito ang batang iyan, nakaka-awa ang sinapit n'yan sa tyahin n'yang na lolong sa sugal at druga kasama ang kinakasama nito." sumbong pa nito kayu KC at kita ang lungkot at awa para kay Grezhel dahil na alala na naman nito ang sinapit ng dalagita sa araw-araw.
"Ano ho ba ang ginagawa ng mga taong kasama nito sa bahay?" ani KC.
"Lagi nilang sinasaktan si Grezhel, hindi pinapakain puro pasa ang katawan, kada uwi ng mag-asawa na iyon at natatalo sa sugal ay ibinu bonton nila ang kanilang pagka talo sa batang iyan."
nag tagis naman ang bagang ni KC dahil sa narinig. "Saan na po ngayun si Grezhel Ali?"
"Sa totoo lang wala kaming alam kung saan na s'ya ngayun, basta nung naka raang araw ay may nag punta ditong hindi namin kilala na mga kalalakihan at dalawang babae at kinuha nila si Grezhel na umiiyak at nanghihina dahil may lagnat ito at hindi naka inom ng gamot. hindi namin alam kung saan ng mga ito dinala si Grezhel, basta ang narinig ko ay ipinang bayad umano ng utang ng mag asawa si Grezhel pero hindi namin alam kung taga saan ang mga iyon at saang lugar nila dinala. pero... " pampabitin pa nito sa sanang sasabihin pero nagda dalawang isip kung sabihin kung amno ang nasa isip nito.
"Ano po iyon? pwede mo bang sabihin sa akin ang mga nalalaman n'yu? malaking tulong po ito para ma rescue namon si Grezhel, isa po akung imbestigador at kaibigan ko ang totoong kamag-anak ni Grezhel ipinahanap n'ya sa akin ang kanyang pamangkin, kapatid ng Ama ni Grezhel ang nag utos sa akin na hanapin ang pamangkin nito". mahabang paliwanag ni KC sa matang Ali.
tumalikod naman ang Ali at may kinuha sa drawer nito, kinuha ang Cellphone nito at ipinakita ang Litratong kinuha nito, litrato ng sasakyan kung saan makikita ang plaka ng naturang Van na laking ipinag pasalamat ni KC dahil alam na n'ya ang gagawin para madaling mahanap ang pamangkin ng kaibigan.
"Maraming salamat po talaga Ali, napaka laking tulong po nito, huwag po kayong mag alala at maayos na rin ang kalagayan ni Grezhel kapag na hanap na namin s'ya". ani KC.
"S'ya nga pala ito ang aking numero, pwede po bang gtawagan ako kapag nariyan na ang mag asawa?" paki-usap ni KC sa matanda. tumango naman ito sabay kuha sa kahetang ibinigay ni KC dito. nagpa salamat muna si KC bago nito nilisan ang lugar at nag maniho na pabalik ng Manila.
Agad rin itong dumeretso sa opisina ng kaibigan ng maka rating ito sa Maynila matapos ang mahabang byahe.
hindi na ito kumatok at deretsong binuksan ang pinto na sana pala ay hindi nalang nito ginawa dahil naka kandong lang naman ang secretary nito paharap sa kaibigan habang busy ang mga ito sa paglampungan.
"Putang ina mo ka Roman hindi ba uso ang mag lock ng pinto na gaho ka!" ani KC bago nito binalibag ang pinto at muling lumabas at na upo sa waiting area malapit sa lamesa ng secretarya nito, hinintay nitong maka labas ang babae, at hindi nga nag tagal ay lumabas din naman ito agad na naka yuko nahihiya pa yata ito sa kanya.
"Kamusta ang lakad mo Baxa?" agad na tanong ni Roman sa kaibigang imbestigador ngunit sinagot lamang ito ng pa balang.
"Kamusta ang laplapan n'yu ng secretarya mong ogag ka!?" wika nito at kinuha ang isang maliit na unan at binato sa kaibigan.
"Pari-pariho lang talaga kayong Apat mga salot sa lipunan hindi pinapa lagpas mga secretarya ninyo, basta may belat hala baon". pag sisirmon pa ni KC sa kaibigan na ikinatawa lamang ni Roman.
"Tama na ang sermon KC sabihin mo na, binitin mo ako baka sayo ko maibaon tung naninigas ko pang imported banana." pag bibiro naman ni Roman sa kaibigang hindi nila alam kung ano ang gusto nito, kung lalaki ba O babae dahil sa kilos nitong astig na astig, mas astig pa sa kanilang Apat na purong lalaki.
"Walang balita aalis na ako Roman". ganting biro din nito.
"Biro nga lang, seryoso Baxa nakita mo na ba ang pamangkin ko?" ani Roman.
"Yes and no!" ani KC na nagpa lito kay Roman, kaya naman ay ipinaliwanag na lang ni KC ang napag usapan nito at ng matandang Ali na naka usap nito, isa-isa namang isinalaysay ni KC ang napag usapan nila ng Ali kung poaano nag hirap ang pamangkin nito sa mga kamay ng Waheeda at ng kinakasama nito., kaya naman ay nag tagis ang bagang ni Roman at napa kuyom din ang mga kamao nito sa ibabaw ng mesa.
"Saan na ngayun si Grezhel?" agad na tanong nito.
"Hindi ko pa alam at iyan pa ang aalamin ko. mabuti na lang at kinunan ng litrato ng matandang Ali ang Van na sasakyan ng mga taong kumoha sa pamangkin mo na ginawang pam bayad ng utang ng mag asawa na iyon". ani KC.
"Puntahan natin ang mag asawa na iyon, mag babayad sila sa ginawa nila sa pamnangkin ko." ani Roman na kitang kita ang galit sa mukha nagsi labasan pa ang ugat nito sa mga kamay dahil; sa pag kuyom nito na hindi naka ligtas sa malukong kaibigan.
"Wow! maugat yummy!" ani'to na nagpa buka ng mga mata ni Roman dahil sa narinig mula sa kaibigang tibo.
"Wanna try?" pag hahamon naman ni Roman sa kaibigan na may kasamang nakakalokong ngiti, kinagat pa nito ang pang ibabang labi para mas lalaong tuksuhin ang kaibigang babae rin ang gusto.
"Ngumiti rin naman ng nakakaloko si KC at dahan-dahang tumayo at nag lakad palapit sa kaibigang naka upo sa swevil chair nito kaya naman ay napaka laki ng ngiti ni Roman dahil akala nito ay sumasabay ang kaibigan, ngunit nagulat nalang si Roman ng nasa harapan na ang kaibigan na naka ngiti sa kanyang harapan na naka tayo kaya napa angat s'ya ng tingin dito ng sa bhindi n'ya inaasahan ay may dumikit na malamig na bagay sa kanyang bibig. at ng yumoko s'ya para tingnan iyon ay nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung ano iyon, kaya napataas agad ang kanyang dalawang kamay ng makita na isa iyong 9mm Pistol Handgun.
"Hindi kana talaga mabiro Bro!" ani Roman sa kaibigan.
"O! bakit naging Bro na ako ngayun? diba you ask me if i waana try!? dali try na natin, buksan muna yang pantalon mo ng makita ko yang ipinag mamayabang mong imported banana mo na hayop ka." ani KC bago nag lakad palabas, babalitaan nalang kita pag na hanap kuna ang may ari ng Van na kumoha sa pamangkin mo at kung tatawag na iyong Ali kung naroon na ang mag asawa. Ciao! anito at agad na sinarado ang pinto.
"Napa iling naman si Roman ng maka labas na ang kaibigan.