AFTER 5 YEARS.. Sa limang taon ko sa Australia maraming nangyari, sa pagtatapos ko ng school ko at paghahawak ng company nila dad sa Australia. Naging kaibigan ko si Mic ng buong taon ko sa Australia. Minsan na rin siyang nanligaw. Ngunit ipinagtapat ko sa kaniya na may asawa ako subalit sinabi ko rin ang sitwasyon namin ngayon. Willing naman daw siyang maghintay kung sakaling hindi na mag worth it ang relasyon naming mag-asawa. Madalas kaming lumalabas para kumain at mamasyal. Kung minsan nagkikita-kita kami ng dalawa kong kaibigan. Sa limang taon na iyon, hindi ko naisip umuwi ng pilipinas kahit pa birthday ng mga magulang ko or magulang ni Mike. Palagi nga nilang sinasabi na puwede naman akong umuwi saglit. Pero ayaw ko talaga. Para ngang ayaw ko ng makita ang asawa ko lalo na pag

