Alas-10:00 ng umaga nang binalak ni Mike lumabas.
Simple lang ang suot niya, ngunit alam niyang kahit anong isuot niya, malakas ang karisma niya pagdating sa mga tao, especially sa mga kababaihan.
Napabuga na naman ng hangin si Irene dahil sa bunganga na naman ng kaniyang kaibigan.
"Bes! Dumating na pala iyong boss natin," wika nito na halatang kinikilig na naman. Nagnining-ning rin ang mga mata nito.
"Sinong boss?" kunot-noong tanong ko kay Danica.
Nanlaki pa ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Para bang hindi makapaniwala sa tanong ko rito.
"Eh sino pa, 'yong anak ng may-ari nitong hotel. Kahapon pa pala siya dumating. Sayang at 'di natin siya nakita. Dito raw sa baba kumain eh," sagot nito habang namimilipit pa ito sa kilig. Daig pa ang walang jowa sa ikinikilos nito eh.
Ewan ko ba at bigla na lang akong nainis at iniwan ito. "Bes, saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Danica.
"Sa bathroom," maikling sagot ko. Hindi ko rin naiwasang mapabuntong hininga. Minsan kasi, kailangan kong umiwas paminsan-minsan sa makulit kong kaibigan at mapapagod lang ang tainga ko sa kadaldalan nito.
Okay lang sana sa ibang bagay eh. Huwag lang tungkol sa mga lalaki ang pag-uusapan at bigla na lang umiinit ang ulo ko.
Habang naglalakad ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Nagulat pa ako at biglang nainis kung sino ang humawak sa kamay ko.
Mainit na nga ang ulo ko, sasabayan pa ng isang ito!
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" singhal na wika ko rito. Lalo pa akong nairita ng ngumisi lang ang gag*.
"Grabi ka naman babe, hinawakan lang ang kamay eh," wika ng lalaki na may gusto sa 'kin.
Isa sa regular customer dito sa hotel.
"Yayayain sana kitang lumabas," wika pa ng lalaki. Iwinaksi ko bigla ang kamay kong hawak nito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayoko, ayoko!" inis na wika ko sa lalaki.
Ang kulit-kulit na kasi nito. Napapadalas lang pumunta rito para lang kulitin ako sa gusto nito. Ilang beses ko na ngang sinabi na ayoko, ang kulit pa rin.
Bigla namang dumilim ang mukha nito na parang 'di nagustuhan ang tabas ng dila ko. Nakaramdam naman ako nang takot at unti-unting umatras.
Hindi ko rin napigilang mapalunok sa nakikitang pagbabago ng awra nito. Mukhang naging mabalasik.
"Masyado ka namang maarte! Akala mo kung sino ka ha! Alam mo bang wala pang umaayaw sa 'kin!" Pinanlakihan ako nito ng mata na galit na galit.
Patuloy naman akong umaatras habang ito naman patuloy na humahakbang palapit sa akin.
Nangatog bigla ang tuhod ko at hindi na makakilos. "Lumayo ka! Sisigaw ako!" Pananakot ko rito. Pilit tinatagan ang boses kahit na nakakatakot na ang itsura nito.
"Sumigaw ka. Bago man sila makarating naangkin na kita!" wika nito na parang baliw ang itsura. Tumawa pa ito na parang nasisiraan ng bait.
Kitang-kita ko ang bangis sa mukha nito na handang manlapa. Gusto ko nang maiyak ni hindi ko magawang kumilos.
Nang biglang lumapit ang lalaki sa akin at akmang hahawakan ako.. napasigaw ako bigla habang takip ang mga mata ng dalawa kong kamay. Subalit nagtataka ako kung bakit walang mga kamay na dumampi sa 'kin.
Habang naglalakad si Mike nang bigla niyang mapansin ang isang babae at lalaki na parang nag-aaway. Babaliwalain na lang sana niya ng mapansin niyang pamilyar sa kaniya ang babae.
Tumigil muna siya sandali. Nagulat siya ng hawakan ng lalaki ang kamay nito at iwinaksi ito ng babae at narinig niya ang sigaw ng babae na siyang ikinagalit ng mukha ng kaharap.
Nakita niyang natakot ang babae ng makita nitong galit na ang kaharap. Para itong naistatwa.
Napa-iling siya bigla. Sa lahat ng ayaw niya ang ganitong eksena.
"What the? Sino ka? Bakit ka nakikialam dito?" rinig kong sigaw ng lalaki. Bigla akong napatingin sa kausap nito.
Isang lalaking matangkad, ubod ng guwapo, ang pangangatawan nito na hahanap-hanapin ng mga kababaihan at kababaliwan. Bigla kong ipinilig ang ulo.
Hindi ko naiwasang matulala rito at bigla akong nakaramdam ng pagkabog ng puso ko.
"Boyfriend niya at ikaw sino ka para pagnasahan ang girlfriend ko ha?" wika ni Mike sabay pilipit ng kamay nito.
"Aww aray! Stop it!" sigaw ng lalaki. Kitang-kita rito na nasasaktan ito. Namumula na rin ang pagmumukha nito.
"Oh ano, lalayuan mo na ba ang girlfriend ko or babaliin ko itong kamay mo?" pananakot pa ni Mike.
"O-oo na hindi ko na siya lalapitan pa!" sagot nito na namimilipit sa sakit. "Good, alis na!" wika ni Mike.
Tumakbo naman ang lalaki, sabay turo sa akin. "Hindi pa tayo tapos," sabay takbo nito.
"Gago talaga iyon," wika ni Mike sa sarili.
Sabay baling sa babae na nakatunghay lamang sa kanya. Natigilan naman siya, dahil hindi niya akalain na mas maganda pala ito sa malapitan, ang maamong mukha na kahit galit yata makikita pa rin ang pagiging inosente nito.
Ang mapupulang labi nito. "Oh kay sarap halikan." Naipilig na lang ni Mike ang kaniyang iniisip.
"Are you okay?" tanong ni Mike sa babae. Nagulat na lamang si Mike ng biglang umalis ang babae sa harapan niya.
"Aba't! Hindi man lang nagawang magpasalamat ha!" wika niya sa sarili. Kaagad niyang hinabol ang babae.
"Wait!" wika ni Mike. Huminto naman ito. Nilapitan niya ito na ngayon seryoso na ang mukha ng babae. Walang ka emo-emosyon ang mukha, mahirap basahin.
Hindi niya tuloy maiwasang mangilid ng tipid na ngisi sa mga labi niya.
"Wow ha, ms beautiful, hindi mo man lang ako nagawang pasalamatan sa ginawa kong pagtulong para sa'yo," wika ko sa babae.
Gustong-gusto niya ang ganda ng mukha ng babae. Para bang gusto niya na lang itong titigan.
"Salamat." Iyon lang at mabilis na siyang tinalikuran ng babae.
Nagulat at natulala na lang siya bigla sa ginawi ng babae sa kaniya. Hindi niya naiwasang matawa ng pagak na parang hindi makapaniwala sa ikinilos ng babae sa kaniya.
Buong buhay niya ngayon lang yata hindi napansin ang angking kaguwapuhan niya. Hindi niya yata matanggap na ito pa lang ang kauna-unahang babae na bumalewala ng kaniyang kaguwapuhan.
Marahas siyang napabuga ng hangin habang pinagmamasdan ang babaeng palalayo.
"Hmm, mukha yatang machachallenge ako sa babaeng ito ha." May ngiti sa labi ni Mike habang nag-iisip.