Naramdaman ko ang tapik sa pisngi ko, kaya dahan dahan akong nagmulat ng mga mata, nang magulat ako dahil ang lapit na ng mukha ng boss ko sa mukha ko. Halos amoy ko na ang mabangong hininga nito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagtayuan ang balahibo ko dahil lang sa hininga nito o dahil masyadong malapit ang mukha nito sa mukha ko o mas tamang sa mga titig nitong malalim. Palihim akong lumunok at pilit kinokontrol ang sariling damdamin. "Were here," wika nito sa akin. Samantalang si Mike naman, kanina pa nagpipigil sa kaniyang nararamdaman. Halos gusto niyang halikan ito ngunit nagtimpi siya. Mahirap na at baka umurong pa sa kaniyang kasunduan. Kung bakit naman kasi nakaka-akit ang mga labi nito. Parang kay sarap halikan. Damn! Ngayon ko lang naranasan ang magtimpi sa isang

