Masayang sinalubong ko ang mga magulang ko pagkababa ng sasakyan ko. "Kumusta kayo rito ma?" magiliw kong tanong. "Ayos lang kami anak," nakangiting wika nito. Iginiya nila ako sa sala. "Ah, may pasalubong pala ako sainyo ni papa." Iniabot ko ang ilang paper bag na may lamang gamit. "Anak, nag-abala ka pa sa amin," wika ni papa. "Syempre naman papa, kaunti pa nga iyan eh." "Bakit pala hindi mo kasama ang asawa mo?" takang tanong ni mama. "Saka na po natin pag-usapan iyan ma, pahinga muna ako. Mamaya may sasabihin akong importante," wika ko rito. Nagpaalam muna ako sa mga itong magpapahinga muna sandali. Hindi ko maiwasang matulala habang nakatingin sa kisame. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ba akong bumitaw ng mabibigat na buntong hininga. Hindi ko namalayan na

