Pagkarating ko sa sala, sa kuwarto namin ng asawa ko, inalok ako nito ng isang beer. "Hindi ako umiinom," wika ko. "Well, halata naman, subukan mo lang," pangungulit nito. Kinuha ko na rin naman kaysa sa mainis na naman ako rito. Umupo ako sa 'di kalayuan sa asawa ko. Nagulat pa ako ng lumapit ito sa akin at hinapit ng isang braso nito ang baywang ko. "Ano ban-" Napalingon ako rito upang sungitan, subalit seryoso itong nakatingin sa TV. Hindi ko na lang pinansin ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Sa kabang nararamdaman ko, tinungga ko ang beer, halos mangalahati ito. Naubo tuloy ako sa lasa nito. "Iyan kasi, kung uminom parang wala ng bukas," rinig kong wika ng asawa kong si Mike. Seryoso naman itong nakatingin sa 'kin. Iniwas ko naman ang tingin ko kaagad dito. Mabilis kong inubo

