Nagising akong na wala nang katabi. Ngunit rinig kong may naliligo sa loob ng bathroom. Bago pa man ako makaalis sa kama, lumabas ang asawa ko galing banyo. Nagpupunas ito ng buhok habang nakatapis lang ang kalahating katawan nito ng tuwalya. Hindi ko tuloy mapigilang mapalunok dahil sa alindog ng katawan nito. Hindi ko napigilang paglakbayin ang mga mata ko sa ganda ng pangangatawan nito. Halatang alaga sa gym. Grabi ganito pala kasarap ang katawan ng asawa ko. Parang ang sarap padaanan ng kamay ang bato-bato nitong abs! Mukha ngang habulin ng mga babae. Tingin pa lang nakakatulo laway na, paano pa kaya kung mahawakan ng mga ito iyon! "Done checking my beautiful wife?" nakangising tanong ni Mike sa 'kin. Nagulat naman ako at kaagad iniiwas ang tingin dito dahil ramdam ko ang pamum

