Naging maayos ang pagsasama namin ni Mike. Ni hindi ko naramdaman na may pinag-usapan kaming contrata. Bawat kilos at pananalita niya, ramdam kong tinuturing talaga niya akong asawa. Madalas sinasama niya ako sa kompanya at tinuturuan kung paano nga ba mamalakad ng isang kompanya. Nagalak naman ang mga magulang nito sa pagpapakita niyang kaseryosohan sa trabaho at nagagawa pa nitong turuan ako sa sariling paraan. Gusto ko kasing malaman kung paano nga ba mamalakad ng isang kompanya. "Love, I have a meeting for one hour. Hintayin mo lang ako rito sa office at kakain tayo mamaya sa labas after ng meeting ko," wika ni Mike na nakaupo sa swivel chair nito habang nakakandung ako sa kanya. Ewan ko ba, gustong-gusto nitong palaging nakakandung ako sa kaniya at nakayakap. Pero hindi ko naman

