Sinalubong kaagad kami ni mommy pagkapasok namin sa mansyon ng mga ito. Ngunit napakunot-noo ako ng mapansin ko kung sino ang babaeng nasa sala. "Si Jenny!" "Hija," nakangiting salubong sa akin ni mommy sabay halik sa pisngi ko. Samantalang nasa likuran ko lamang si Mike. Nagkasalubong ang tingin namin ni Jenny. Medyo nagulat din ito. Siguro dahil ibang-iba na ang Irene na kaharap niya ngayon. Napansin ko kasi ang pagtingin nito sa akin mula ulo hanggang paa. Humalik din ako sa pisngi ni daddy. At ang pekeng ngiti ni Jenny, na sinuklian ko ng ngising aso. Ewan ko ba, naiinis pa rin ako eito. Halata naman kasing patay na patay sa asawa ko. Ang nakakainis pa mukhang sinasadya nitong inisin ako't yumakap pa sa asawa ko at humalik sa pisngi nito. Tiningnan ko naman ang mukha ng asaw

